top of page

ANG PINAKAMASARAP NA PARES SA BALAT NG LUPA

  • 11 hours ago
  • 2 min read

Updated: 3 minutes ago

Ang Pinakamasarap na Pares

sa Balat ng Lupa (2026)

Directed by: Raynier Brizuela

 

Madaling magustuhan ang isang pelikula kapag ito’y nakakatawa. Pero mas madali itong mahalin kapag may mas masarap pa na sangkap itong naibigay.


Para sa pelikulang ito, pares nila itong nagawa:

nakakatawa na + masarap pa.


Sa simula, enjoy lang siyang panoorin. May chance na maging corny ang mga lines, pero dahil seryoso at taimtim ang delivery, nagiging effective siya.


Kahit simple lang ang atake, meron pa rin siyang tama. Pang-wow mali ang feels ng unang banggaan. Memorable ang first meeting nina nurse sherry at kinder. Ang funny ng pagkakaturo sa 𝘦𝘮𝘦𝘳𝘨𝘦𝘯𝘤𝘺 𝘳𝘰𝘰𝘮, pero 𝘦𝘯𝘵𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦 lang ang nakasulat.


Laughtrip ng pagkanta sa doctor beat sa oras ng emergency. Ang random ng biglaang sex position. Kuhang kuha ang sketch drawing para sa mga wanted. Sakto ang sketch comedy.

 

 

Ang lahat ng cast ay kupal, pero ang kanilang talento ay hindi pang-negative infinity. 5/5 ang hatol para sa ensemble — dahil lahat ay may ambag pagdating sa kalokohan.


Deserve mabigyan ng big break ni Yanyan de Jesus dahil sa galing na kanyang ipinapakita sa tuwing siya’y nasa screen. Pwedeng pwede sa sexy comedy si Christine Bermas.


Pang-multiverse ang actingan ni James Caraan. Sobrang cute ng mga gigantic reaksyon ni Nonong Ballinan. Masaya maging kalaban sina Jobelyn Manuel, TJ Valderrama, at Gene Padilla. Aliw ang kakulitan ni Kedebon Colim.


Hindi lang sa comedy mabenta sina Jerald Napoles at Pepe Herrera, kaya rin nilang maghain ng drama. Swak ang kanilang naging pares.

 

 

Consistent ang pagiging sabaw ng pelikula, pero hindi siya nakakalunod. Nahihiya pa silang mag-all-out. Sana mas tinodo pa. Medyo matagal din ang ilang stop-overs, kaya nakaka-tengga minsan. Kahit nagkaroon ng kaunting inip, patuloy mo pa ring sasakyan ang kanilang trip.


Habang nagtatagal ang biyahe, mapapansin na hindi lang pala siya puro laughtrip at acid trip. May totoong destinasyon itong gustong puntahan, at hindi guni-guni lamang.

Nakakatawa ang mga jokes, pero higit pa dun, mas nakakadala ang mga serious moments. Pagkatapos nang sunod-sunod na kalokohan, nalasap ang sarap ng ending.


May kiliti ang punchlines. May anghang ang naging confrontation. May pait ang mga away. May tamis ang kwento. Bittersweet ang journey. Mahirap maging basher kung masarap ang inihain na putahe ng pelikula.


Sa ating industrya kung saan tested formula ang kadalasang ginagawan ng pelikula, Kudos sa lakas ng amats ng mga writers at director. Amen to whoever greenlit the script. This film is just refreshing to see in the current landscape of Philippine Cinema. Hindi siya under ng 𝘱𝘢𝘶𝘭𝘪𝘵-𝘶𝘭𝘪𝘵 category.


Kahit sabog ang karamihan sa nangyayari,

may puso rin ito.


Hindi lang siya puro sabaw,

meron din siyang laman.


Dahil diyan, recommended ang pares na ito.


𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐊𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐑𝐀𝐏 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐄𝐒 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐋𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐏𝐀

Cast: Jerald Napoles, Pepe Herrera, Christine Bermas, Yanyan de Jesus, Gene Padilla, James Caraan, Nonong Ballinan, TJ Valderrama, Kedebon Colim, Jobelyn Manuel

Written by: BC Amparado, Ricky Victoria

Presented by: Viva Films

Release Date: August 26, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page