top of page

ALL THE THINGS I LEAVE YOU

  • Jun 18
  • 3 min read

Updated: Jun 19

All The Things I Leave You (Patawid)

Directed by: Jade Castro

 

 𝘈𝘭𝘭 𝘛𝘩𝘦 𝘛𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘐 𝘓𝘦𝘢𝘷𝘦 𝘠𝘰𝘶 (𝘗𝘢𝘵𝘢𝘸𝘪𝘥) is an Ilocano BL series consisting of 6 episodes, running approximately 25-30 minutes each. In celebration of Pride Month, there’s an exclusive screening in SM cinemas, where audiences can binge-watch all episodes in one sitting. Total runtime is 2 hours and 45 minutes.


EPISODE 1 pa lang, makikitaan mo na ng chemistry ang dalawang aktor. Nakakatuwa ang kanilang galawan at kung paano sila mag-asaran at maglandian. Ang cute nung pink na helmet. Nakaka-kilig ang mga away-bati moments nila.


Mas makilala ang mga karakter sa EPISODE 2. May dalang kiliti ang paghawak sa bewang. Ang landi ng Holdaper scene. Nakakatawa ang sigawan at gulatan dahil sa towel. Nakakatakam ang Ilocano soup na Miki. Mainit-init ang naging tinginan nila habang humihingi sila ng tawad. Nung tumawid ang istorya papunta sa problema ng pamilya, unti-unti na ring bumitaw ang palabas.


Natatabunan na ang kanilang relasyon sa EPISODE 3. Napupunta ang kwento sa ibang mga bagay na hindi masayang subaybayan. Inaabangan mo sanang lumago ang kanilang relasyon ngayon, ngunit mas nakatutok sila sa mga bakas ng kahapon.


Nagkaroon ng mas maraming eksena ang pamilya sa EPISODE 4. Hindi masyadong convincing ang kanilang akting. Pansin ang mga dead air. Parang antagal din nilang magsalita.


Dragging na ang mga usapan sa EPISODE 5. Parang ibang palabas na siya kumpara sa pinaka-una nilang episode. Nagsimula siyang magaan at masaya. Napunta na sa seryoso at ibang dimension. Anticlimactic yung halik. Mabilisang ibinahagi ang mahalagang balita. Naubusan ng oras para magnilay.


Nawawala ang timbang ng relasyon sa EPISODE 6. Ilang sandali pa lang silang magkasama, ngunit kung makaasta sila ay para bang andami na nilang pinagdaanan. Kulang pa sa mga eksena para ilarawan ang kanilang pagmamahalan. Nagmukhang padalos-dalos ang desisyon. Andaming beses na akala mo matatapos na ang palabas, pero hindi pa pala.

Malakas ang kanilang naging simula, ngunit hindi nila ito naitatawid hanggang dulo.


Much like their catchphrase na “Ti umuna a mafall, maatiw (The First One To Fall, Loses)”, the show falls short from the love story and eventually loses momentum.


It’s quite refreshing that sexuality isn’t treated as a major issue, but simply part of being human.


Maganda ang leksyon tungkol sa magkaibang generation, ngunit hindi naging swabe ang pagsasama ng past at present. Dinadaan sa pagpapakilig upang makalusot ang mga karakter sa kanilang mga red flags.


Maayos ang pagkakasalin ng mga Ilocano cuisine at tourist spots sa mga eksena. Hindi sobrang halata, ngunit mapapansin pa rin.


Biglang nag-iiba ang quality ng audio. Medyo malakas at abrupt ang pagpapatunog sa mga kanta.

 

Quotang quota sa punchlines si Elle Pagdilao. Laughtrip siyang mambasag ng trip.


Medyo kalkulado at hindi pa komportable ang mga kilos ni Justin Paul Basobas, ngunit punong puno siya ng charm. Meron siyang dating. Epektibo ang kanyang mga panlalandi.


Natural umarte si Benedix Ramos. Expression pa lang ng kanyang mukha ay alam mo na kung ano kanyang nararamdaman.


Nakakadala kung paano makipagtitigan at harutan ang dalawang bida sa isa’t isa.


After watching 𝘈𝘭𝘭 𝘛𝘩𝘦 𝘛𝘩𝘪𝘯𝘨𝘴 𝘐 𝘓𝘦𝘢𝘷𝘦 𝘠𝘰𝘶, the things they leave us are romance and comedy.


A more consistent presence of those elements throughout the episodes would have strengthened the show.


𝐀𝐋𝐋 𝐓𝐇𝐄 𝐓𝐇𝐈𝐍𝐆𝐒 𝐈 𝐋𝐄𝐀𝐕𝐄 𝐘𝐎𝐔 (𝐏𝐀𝐓𝐀𝐖𝐈𝐃)

Cast: Benedix Ramos, Justin Paul Basobas, Elle Pagdilao, James Lomohan

Screenplay by: Sef Arcegono, Jade Castro, Lance D. Collins

Presented by: Daluyong Studios

Release Date: June 17, 2026 exclusively in SM cinemas nationwide

A Series / Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page