top of page

PATER NOSTER

  • 4 days ago
  • 2 min read

Pater Noster / Our Father (2026)

Directed by: Moutaz Kotrob


Akala mo Dystopian Future ang setting ng pelikula, pero sabog lang pala ang script at direction. Parang sinulat ito sa gitna ng inuman session, dahil wala sa katinuan ang mga nangyayari.


Meron silang instant scanner para malaman agad ang blood type ng mga tao. Red kapag hindi match. Green kapag match. Tila coincidence na color green dahil berde rin ang dugo ng donor.


Kapag nakakuha ka ng dugo mula sa bakla, magiging bakla ka rin. Napapasa ang kabaklaan sa pamamagitan ng blood transfusion. Pero ayaw ni Father ng bakla kaya nagpakuha siya ng ibang dugo na hindi berde.


Sumunod ay naging zombie na ang patient. Nagutom siya at kinagot ang tao. Parang ewan. Hindi naman comedy ang pelikula. Sobrang serious nila, pero kung anu-anong pakulo ang ginagawa. 

Nakahiga lang sa bed si Arron Villaflor sa unang bahagi ng pelikula. Kada gising niya ay nag-iiba ang kanyang katauhan. Imbes na character development ay papunta na siya sa personality disorder. Nung tuluyan na siyang naka-bangon, nonstop emote siya. Feeling rebelde, pero sinusunod din naman niya ang tatay niya.


Eto namang si Archi Adamos, parating galit at namamaril. Hindi mo alam sino ba ang kaaway niya, at kung bakit sila nag-aaway. Forever loyal siya sa Alpha Aguila, isang fraternity na hindi mo rin malaman kung ano ba ang ipinaglalaban. Biglang may Aguila na lang na lumilipad sa kalangitan.

Mukhang AI ang mga ibon. Parang catsup ang dugo. Naninilaw ang screen. Masyadong intense ang effects. Halos climax na ang lahat. Ang chaka umarte ng mga extra at supporting cast.


Andaming montage para ipaliwanag ang mga pangyayari, pero lalong gumugulo. Literal na nakakahilo panoorin ang mga plottwist. Ang sakit sa ulo at sa bangs. Maliban sa magulong flow, delikado rin ang kanilang line of thinking.


Ang blood transfusion ay naging personality confusion. Ang random tantrums ay napunta sa all-out violence. Puro barilan na walang dahilan. Ang restless at ang pointless ng pelikula.


Kung panay ganito na lang ang madaratnan sa sinehan, paano pa tayo makakaahon niyan.


Patay tayo diyan.

Mapapadasal ka na lang.


𝐎𝐔𝐑 𝐅𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑

Cast: Arron Villaflor, Archi Adamos, Kayley Carrigan, Erika Balagtas, Isadora Alonzo

Screenplay by: Moutaz Kotrob, Raymond Diamzon

Presented by: LGK Films

Release Date: March 25, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page