top of page

PATIKIM TIKIM

Patikim Tikim (Vivamax 2023) Directed by: Jose Javier Reyes


Nakita ni Miyo ang kanyang ex at gusto niya itong tikman ulit.


Hindi makatwiran ang ginagawa ng mga karakter. Bulag-bulagan sila sa mga mali. Hindi naitatama ang mga dapat itama.


Gender expression and gender identity could’ve been discussed further. The shots are not enticing. The scoring is irritating. The execution is corny.


Nakakatawa sana ang mga linya ni Chloe Jenna, pero hindi niya ito nasasabi nang maayos. Hindi masyadong convincing sina Apple Dy at Yen Durano sa pelikulang ito.


Pasok sa romcom ang aktingan ni Aerol Carmelo. Pwede na siyang tumawid mula Vivamax to Star Cinema. Believable si Jaggy Lejano. Sapul ang kanyang kilos at pananalita. Hindi gaanong halata pero ito’y napapansin.


Nag-effort naman ang pelikula na lumayo sa Vivamax brand. Naka-focus sila sa kwento. Hindi nga lang maganda ang kwento at ang pagkakagawa.


Nagpatikim ang Vivamax ng ibang mahahain. Ngunit hindi pa rin ito masarap panuorin.


PATIKIM TIKIM ⭐️

Cast: Aerol Carmelo, Jaggy Lejano, Yen Durano, Apple Dy, Chloe Jenna Presented by: LargaVista Entertainment Date Released: September 15, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page