top of page

PAUPAHAN

Paupahan (Vivamax 2023) Directed by: Louie Ignacio


Isang kwarto na paupahan ay lugar rin pala ng bosohan at ng mga milagrong kaganapan.


Gabi-gabi na lang ay may ka-sex itong si Jiad Arroyo kasama ang mga babae na hindi naman natin kilala. Walang usap-usap. Walang kwentuhan. Derecho kantutan lang. Hindi na nga mabilang kung ilan lahat yun sa sobrang dami. Nabilang niyo ba?


Tunog-lata na naman ang audio dubbing. Hindi mo kayang seryosohin ang mga nangyayari, dahil pang-comedy ang bosesan at ang aktingan.


Si Odette Khan lang ang pwede mong seryosohin dito dahil angat na angat ang kanyang galing. Pero sino ba ang naglagay kay Odette Khan sa pelikulang ito para lang pahigain siya nang buong magdamag? Pwes. Sorry kayo dahil siya pa rin ang best actress dito. Andaming sinasabi ng mukha niya kahit madalas ay wala siyang linya. Malakas ang dating niya kahit madalas ay nakahiga lang siya sa mga eksena.


Paulit-ulit na kapangitan ang ating nasasaksihan sa Vivamax. Pinaglaruan na naman ang paksang “mental health” para lang sa plottwist. Ang pag-mo-model ay ginawang excuse para maghubad. Ang pamboboso ay ginawa na namang parausan. Ang patayan ay naging libangan na naman.


Kung gaano kalupit ang buhay ng mga karakter dito ay ganun din kalupit sa kachakahan ang pelikulang ito.


This movie can live in a landfill.

Rent-free!


PAUPAHAN

Rating: -1/5 Cast: Jiad Arroyo, Tiffany Grey, Robb Guinto, Odette Khan Presented by: Viva Films, 3:16 Media Network Date Released: April 8, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page