PEE MAK
PeeMak (Philippine Adaptation 2026)
Directed by: Victor Villanueva

Simula pa lang, pinaglalaruan na ng pelikula ang kanyang sarili. Aminado ito sa kanyang mga limitasyon, lalong lalo na pagdating sa budget. Pero ni minsan ay hindi mo mararamdaman na tinipid ka ng pelikula.
Bawat eksena ay siksik sa mga patawa. Gamit na gamit ang mga artista. Pati ang mga cameo appearances ay hindi pinalagpas.
Patok ang mga pang-slapstick na galawan. Hindi sila nakuntento sa sampalan lang, dapat talaga may hampasan. Ang saya ng mga random na halikan. Tulad ng paglangoy sa ilog, buong katawan ay kanilang nagagamit. Bawal ang malamya at mahiyain dito.
Makulit ang mga linya. Mas nabibigyan sila ng pansin dahil sa paraan ng kanilang pananalita. Kahit ilang beses banggitin ang dalawang Jun at isang Pok, hindi siya nakakasawang pakinggan. Parehas na may timbang ang main punchlines at side comments.
Kahit sa mga oras na hindi sila magsalita o gumalaw, tumingin ka lang sa paligid ay may makukuha ka pa rin. Mula sa bahay ni Mang Kanor hanggang sa karatula ng mga tindahan, malikhain kung paano ipinasok ang mga kalokohan. Kahit nakakadiri tingnan ang maggots at antennae, nagiging masarap siyang panoorin.
Minsan, may mga corny na jokes. Pero mas marami ang mga benta. Halos dalawang oras ang pelikula, ngunit hindi siya nakakainip panoorin.
Malaking bagay na mahusay ang ensemble. Mas lalong nagiging epektibo ang mga eksena dahil sa mga artista.
Kahit anong linya ang ibato mo kay TJ Valderrama, may kakayahan siyang gawin itong nakakatawa. Hindi lang siya pok, kundi pak na pak! Comedy mostly relies on how a line is delivered, and he knows exactly how to shift his voice and expressions to make his every line effective. He has a strong sense of comedic timing and knows how to get the most out of his material.
Nakalaya si Gian Bernardino sa pagiging mang-aawit. Hindi siya multo na napadaan lang. Kitang-kita ang kanyang pagiging isang ganap na aktor sa pelikulang ito. Actually, most scenes are set up to give him the opportunity to deliver his punchlines, giving him a good head start. But he doesn’t simply rely on that advantage. He puts in the effort to bring something of his own to each scene. His acting never comes across as awkward, and his delivery feels natural.
Saktuhan lang ni Vandolph. Hindi nakakailang, pero hindi rin gaanong nakakatawa. Amid the chaos and riotous energy of the film, he remains steady and calm, bringing a different flavor to the ensemble.
Jairus Aquino is a capable actor, but comedy is an area where he still has room to grow. He needs to find his rhythm and become more comfortable with it.
The group’s rapport isn’t always evident, because there are many times when individual performances are highlighted. What becomes clear, though, is that when they come together, they support one another to make every scene work. The strengths of some help compensate for the weaknesses of others, creating a funny ensemble overall.
The guest stars also make some impact. Despite short appearance, Janno Gibbs has something to give.
Wala sa vocabulary ni Candy Pangilinan ang salitang petiks. Mataas kaagad ang kanyang energy, at hindi kailanman bumaba. Lasing man siya o hindi sa eksena, may dala siyang amats.
Angat ang mga supporting cast. Maraming eksena kung saan sila ang kumikinang.
Sa una, kakabahan ka para sa WilBea — dahil kahit sila ang mga bida, hindi sa kanila nakatutok ang pelikula. Ngunit nagawa nilang makahabol.
Kahit punong-puno ng mga patawa ang pelikula, hindi nakakalimutan na may kwentong dapat ibahagi. Maganda kung paano naipasok ang loveteam. Hindi siya pilit. Naaayon sa istorya.
Bea Binene brings much-needed heart to the film. Pagdating sa horror, hindi siya nakakasindak. Pero pagdating sa drama, epektibo siyang magpaiyak. Tumatagos sa puso kapag siya’y nagsasalita. Lalong lalo na nung sinabi niya ang linyang “𝘒𝘢𝘺𝘢 𝘮𝘰 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘬𝘰?”. Parang ferris wheel na umikot kaagad ang mga emosyon mula tuwa papuntang lungkot.
Wilbert Ross has a mix of comedy and drama in his facial expressions. It works well in lighter moments but becomes less effective in heavier ones. He appears partly playful, even when the scenes call for complete seriousness.
Together, they bring out the heart of the story. Their combined performances, especially toward the end, provide a sweet and satisfying conclusion, making WilBea’s big-screen debut a promising start.
The songs provide valuable support to the storytelling. 𝘓𝘪𝘵𝘳𝘢𝘵𝘰 by Wilbert adds a sense of yearning to the montage. 𝘏𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘈𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘚𝘶𝘣𝘶𝘬𝘢𝘯 by Wilbert and Gian brings emotional depth to the scenes. 𝘔𝘶𝘭𝘵𝘰 by Cup of Joe is always on cue and delivers every time.
Minsan, mas malakas ang musical scoring kesa sa boses ng mga artista. Hindi malinis ang audio dubbing. Medyo masikip tingnan ang shots. Nasa gubat man sila o nasa loob ng bahay, wala masyadong pinagkaiba dahil halos mukha at katawan nila ang nakikita.
Kung ikukumpara sa original, mas kalmado at seryoso ang atake ng Thailand. Tahimik lang sila kapag may mga biruan. Mas nakakatakot ang makeup na ginawa para sa multo. Mas ramdam ang kapaligiran. Mas mahaba rin ang kanilang charades version. Mas maraming karakter ang pinaghinalaan na multo.
Pagdating sa Philippine version, hindi masyadong ramdam ang multo. Ngunit mas angat ito sa mas marami pang mga bagay.
Mas kapit sa kultura. Ang horror house ay merong tiyanak, kapre, tikbalang, at manananggal. May special appearance din ang Durian. Nawala ang charades game, pero nagkaroon ng Pinoy Henyo para sa ibang eksena.
Mas kwela ang cast. Binibigyan lahat ng spotlight, mula sa apat na magkakaibigan hanggang sa Lasinggera at Albularyo.
Mas malikot ang utak. Maliit man o malaking detalye ay hindi nila pinapalagpas. Pinaglaruan ang palayaw ng mga tao hanggang sa pangalan ng mga tindahan. Pati tunog ng giyera at ng ungol ay pinagdiskitahan. Hanggang sa credits scene ay ginawan din ng sariling plottwist ang lasinggera.
Mas masaya ang hapunan dahil may food commentary kada putahe. Pagdating sa eksena kung saan lumulubog na ang bangka dahil sa sobrang bigat, mas maraming bagay ang itinapon sa ilog.
Mas may hugot yung sa usapan na naganap sa ferris wheel. Nakatulong din yung shot na nakatutok lang sa kanilang mga mukha ang eksena dahil kitang-kita mo ang kanilang reaksyon.
From a Filipino standpoint, the Philippine adaptation is definitely better than the original, primarily because of its unique elements deeply rooted in Filipino culture. This film is not made to compete with other versions, but for Filipinos to enjoy — making it all the more beautiful.
There are plenty of references that break the ice and the fourth wall. No other nationality could better appreciate and understand it quite the way Filipino audiences do.
Whether or not you’ve seen the original, this Philippine adaptation stands strong on its own. Under the direction of Direk Victor Villanueva, the film becomes a worthwhile experience.
Sa ngayon, ito na ang PEEnaka MAKulit na pelikula ngayong taon. Sulit ang bawat eksena. Walang patay na oras. Magiging proud kayo sa produktong lokal.
𝐏𝐄𝐄 𝐌𝐀𝐊 𝐏𝐇
Cast: Bea Binene, Wilbert Ross, Vandolph Quizon, Jairus Aquino, TJ Valderrama, Gian Bernardino
Special Participation: Candy Pangilinan, Jerome Ponce, McCoy de Leon, Vito Quizon, Raphaell Ridao, Janno Gibbs
PH Screenplay by: Alpha Habon, Roni Benaid
Original Thai Writers: Nontra Kumwong, Ter Chantavit Dhanasevi, Banjong Pisanthanakun
Release Date: October 14, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Must watch sobranggggg gandaa papatawanin at papaiyakin ka ♾️/10 🫶
10000/10
Must watch! Sobrang galing nilang lahat, Hindi ako mahilig sa horror pero grabe na-enjoy ko ‘to sobra kasi maghahalo talaga yung emotions mo, takot, tawa, kilig at iyak. Kudos sa lahat na bumuo ng philippine adaptation na ito! Ang hirap itulog pag isang beses mo palang napanood hahaha Kailangan ko pa umulit kasi ang ganda talaga sobra.
Ang ganda ng movie. Sayang if hindi mo mapapanood ang peemak ph.
Sobrang ganda ng movie at ang mura! Sana suportahan din ng kapwa natin Pilipino 🌸🥰
Super ganda super nakakatawa🥰🥰🥰