Pin/Ya (Vivamax 2024)
Directed by: Omar Deroca
Si Pinlee ay ginahasa ng isang lalaki.
Pero okay lang sa kanya dahil gusto niyang pag-aralan kung paano makipagtalik para magamit niya ang skills na ito sa kanyang bestfriend na babae.
Sa panahon ngayon na napaka-halaga ng consent, eto na naman ang isang Vivamax movie na binalewala ito. Masyadong malala yung narrative ng sexual assault tapos napunta sa educational purposes.
12M ang subscribers ng Vivamax at karamihan dun ay malilibog. Tapos ganitong mindset pa ang matutunghayan nila. All the more reason why having a good and decent story is important in this platform.
Ang hard sell ng pamagat nilang Pinya. Halatang pinilit na lagyan ng Pinya ang pangalan ng mga karakter. Ang corny ng mga linyang pinaghahambing nila ang mga sarili nila sa pineapple. Hindi natural ang mga usapan. Nakakaantok din ang musical scoring.
May friends into lovers at sexual awakening na naganap. Pero hindi ramdam ang naging transition nito. Basta lang makapaghubad ang mga babae ay sapat na raw. Alanganin umarte ang karamihan sa mga artista.
Masyadong madaldal ang pelikula. Andaming pinagsasabi via narration, pero hindi ito lumalabas sa kanilang mga eksena. Puro lampungan lang naman tapos karamihan pa dun ay basta-basta na lang isinisingit kung saan saan.
Nakakaloka yung plottwist sa dulo dahil hindi naman yun kailangan sa kanilang istorya. Ampanget na nga ng script. Mas lalo pang pumanget dahil sa last scene. Ang messy ng writing.
Nakahubad pa talaga sa kwarto ang dalawang babae during the big reveal. Syempre dahil Pin at Ya ang mga pangalan nila, kailangan nilang mag-sanib-pwersa para sila’y isang maging ganap na PinYa. 🍍
𝗣𝗜𝗡/𝗬𝗔
Rating: -1/5
Cast: Angelica Hart, Candy Veloso, GBoy Pablo, Julianne Richard
Screenplay by: Ronald Perez
Presented by: Pelikula Indiopendent
Release Date: December 6, 2024 on Vivamax (VMX)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0
Emotions: 0
Screenplay: -2
Technical: 0
Message: -2
AVERAGE SCORE: -0.8
Comments