Pinilakang Tabingi (TMFF 2024)
Written & Directed by: John Pistol Carmen
Pwede sanang pangmalakasang comedy ito, pero ang alanganin ng execution. Imbes na matawa ka, manghihinayang ka na lang.
Gayunpaman, walang makakapigil sa kanila.
Kahit corny, magpapatawa pa rin.
Kahit hindi magandang tingnan ang mga kuha, magkwekwento pa rin.
Tumatakbo lang ang palabas. Pinagpatuloy kung ano ang nais nilang gawin. Kung kaya’t pagdating sa huli, nakarating sila sa nais nilang puntahan.
Nung nakarating na sila dun,
gusto mo na silang samahan at tabihan.
Sa dulong eksena ka madadala. Kaso huli na ang lahat. Kung sa simula pa lang ay kasama ka na sa biyahe nilang tabingi, mas masarap sanang panuorin ang kabuuan ng pinilakang tabing na ito.
PINILAKANG TABINGI
Rating: 1/5
The Manila Film Festival 2024 has a total of 12 new short films—divided into 2 sets. This short film is part of the SET A films.
Cast: JM Edara, AJ Rodriguez, Gy Hallare, Alyssa De Guzman, Ramir Barrios Jr., Revis Lapida, Romil Labarete
Presented by: IndiBiswal, TMFF 2024
Release Date: June 5-11, 2024 for The Manila Film Festival at Robinsons Manila and Robinsons Magnolia
A Movie Review Review by: Goldwin Reviews
コメント