top of page

PUNIT NA LANGIT

Punit Na Langit (Vivamax 2023)

Directed by: Rodante Pajemna Jr.


Ang langit na pinapangarap ng dalawang magkapatid ay napunit. Matahi pa kaya ito?


Magaling si Apple Dy sa pelikulang ito. Wala siyang linya sa lahat ng mga eksena, ngunit sa emosyon niya nailalabas lahat ng gusto niyang sabihin.


Maayos ang naging pagganap nina Chester Grecia at Aerol Carmelo. Pilit umarte si Aila Cruz. Chill lang si Aria Bench, pati na rin ang kanyang boses.


Dahil karamihan ng mabibigat na eksena ay napunta kay Tiffany Grey, mas napapansin na kailangan pa siyang gabayan sa iilang eksena. Madalas ay maligalig ang kanyang boses kahit hindi kailangan. Hindi rin ramdam ang paghihirap niya sa tuwing may pagtatalik na nangyayari. Ngunit sa kabuuan, disente naman siyang umarte.


Andami pa sanang pwedeng idagdag para mas kapitan mo ang kanilang pinagdaraanan. Kulang pa sa drama at sa pagmamalupit. Kulang pa sa bonding moments ang magpinsan. Hindi masyadong nagamit ang pananahi para sa pamagat nilang punit. Madalas napupunta sa pagpapapogi ng mga boys para makuha ang mga girls.

Ang lokasyon nila ay sa perya, ngunit hindi ito nasulit. Sayang ang rollercoaster, viking, carousel, at marami pang rides dahil hindi gaanong naipasok sa kwento maliban na lang sa dulo. Sana mas pinaglaruan pa nila ang konsepto ng perya.

The confrontation scene between Apple Dy and Tiffany Grey is one of the best Vivamax confrontations this year. It’s a defining moment for the characters in the story. From that scene onwards, you’ll anticipate their next moves. The ending makes you wonder on the characters’ definition of heaven and hell.


Hindi kasing ganda ng langit ang kwento.

Pero hindi kasing sagwa ng impyerno

ang naging pagwawakas nito.


Ang langit, kahit napunit,

ay langit pa rin.

May angking ganda pa rin.


PUNIT NA LANGIT

⭐️⭐️

Cast: Apple Dy, Tiffany Grey, Chester Grecia, Aerol Carmelo, Aila Cruz, Aria Bench, Ardy Raymundo, Keno Kastillan / Iñigo Arce

Presented by: Viva Films

Date Released: September 8, 2023 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page