Men Are From QC,
Women Are From Alabang (2024)
Directed by: Gino Santos
Merong QC at Alabang sa pamagat, pero hindi ramdam ang tagal ng kanilang biyahe at ang hirap ng pag-commute. Ang distansya ng mga lugar ay naging parte lang ng mga linya at hindi naging bahagi ng karanasan.
Lakad lang sila nang lakad sa may sakayan. Masyadong maginhawa ang pagsakay sa bus. Wala man lang jeep, taxi, fx, motor, at ang iba’t ibang paraan kung paano pwedeng matakasan ang traffic. Ang rush hour ay hindi rin napag-usapan.
Bigo silang ilarawan ang mga problema ng dalawang magkarelasyon na malayo sa isa’t isa.
Pasulpot-sulpot lang ang eksena tungkol sa kanilang trabaho. Konting usap lang sa opisina, tapos andami na palang nangyayari. Hindi maganda ang pagkakakwento kung paano sila magtrabaho at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang relasyon.
Parehas silang may ipinaglalaban at may nararamdaman, ngunit hindi naging patas ang usapan. Isang anggulo lang ang umaangat, habang yung isa ay hindi nabigyan ng pagkakataon na ibahagi ang kanyang kwento.
Naging shortcut ang ilang pagkwento. May compilation of quotable quotes tungkol sa commuting. May voice over tungkol sa transportasyon. May time lapse effect tungkol sa kanilang relasyon. Mahilig silang magfast-forward sa mga bagay na dapat na mas ipinaranas pa sa atin.
Maaasahan mo ang MarVen pagdating sa pagpapakilig. Natural sa pakiramdaman ang kanilang samahan. Dahil sa mga harutan nila, nagkaroon ng saya ang ilang eksena. Dahil sa mga awayan nila, nagkaroon din ng lungkot.
Kahit bigo ang pelikulang ito na talakayin ang transportasyon, ang umangat na mensahe sa dulo ay naaayon pa rin sa kanilang tema tungkol sa distansya.
The film tried to define relationships beyond physical distance. As the characters go opposite directions, the film guides you to where you’re supposed to go. The ending leads you to a destination where both ends could meet.
Hindi man naging maganda ang paglalarawan sa kanilang biyahe, maganda naman ang naging last stop nito.
Hindi nanatili sa QC at Alabang ang pelikulang ito.
May gusto silang puntahan
at nakarating sila duon.
MEN ARE FROM QC,
WOMEN ARE FROM ALABANG
Rating: 2/5
Cast: Heaven Peralejo, Marco Gallo, Wilbert Ross, Andrea Del Rosario, Rose Van Ginkel, Giselle Sanchez, Andrea Babierra, Andrew Gan, Peach Caparas
Presented by: Viva Films
Story & Screenplay by: Kiko Abrillo, Kristine Gabriel
Based in the best-selling book by: Stanley Chi
Release Date: May 1, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 1
Emotions: 2
Screenplay: 2
Technical: 1.2
Message: 2.5
AVERAGE SCORE
QC ALABANG: 1.74
Comments