top of page

SAKALING HINDI MAKARATING

Sakaling Hindi Makarating (2025)

Directed by: Ice Idanan


Nakakaintriga ang mismong kwento. Aabangan mo kung sino ba talaga ang tinutukoy nila. Habang nag-aantay ng sagot, mabibiyayaan ka ng iba’t ibang bagay.


Ang kagandahan ng mga lugar ay nagdudulot ng katahimikan. Dahil walang ingay, malaya kang makakapag-isip para sa iyong sarili. Ang kanilang biyahe ay naging daan tungo sa paghilom.


Kung gaano kalalim ang sugat, hindi ito masyadong ramdam. Kinukulang sila sa mga hugot. Mahina ang kapit mo sa mga karakter—pati na ang koneksyon nila sa isa’t isa. Ang mga ala-ala na kanilang ipinapakita ay hindi sapat upang makapagdulot ng sakit.


Salat sa pagbahagi ng karanasan,

kaya wala ka ring makapitan.


Mas panghahawakan mo pa rin ang katanungan na kanilang ibinahagi sa simula ng kwento. Nung ibinunyag na ang sagot, hindi ito nakakadala. Sa hinaba-haba ng biyahe, hindi naging sulit ang paghihintay.


Hindi man sila nakarating sa rurok ng pelikula, nakalibot naman sila kung saan saan.


Cliché as it sounds, at this point,

it’s all about the journey and not the destination.


𝑺𝑨𝑲𝑨𝑳𝑰𝑵𝑮 𝑯𝑰𝑵𝑫𝑰 𝑴𝑨𝑲𝑨𝑹𝑨𝑻𝑰𝑵𝑮

Exact Score: 1.5


Cast: Alessandra De Rossi, Pepe Herrera, JC Santos, Karen Delos Reyes, Lesley Lina, Therese Malvar, Elijah Canlas

Written by: Petersen Vargas, Ice Idanan

Release Date: March 16, 2016 in select cinemas; July 11, 2025 on Netflix

A Movie Review by: Goldwin Reviews

  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page