top of page

SALAMAT DAKS

Salamat Daks (Vivamax 2023) Directed by: Bobby Bonifacio, Jr.


Isang matandang dalaga ang gustong magmukhang bata.


Mapapa-OMG ka kay Alma Moreno rito. Ang saya saya niyang panuorin. Loveli-Ness has never been this lovable and hilarious.


All the cast are funny in their own ways.


Ang boses ni Giselle Sanchez. Ang sigaw ni Marissa Sanchez. Ang labi ni Marissa Delgado. Ang endorsement ni Debbie Garcia. Ang cuteness ni Andrew Muhlach. Ang alindog ni Geleen Eugenio. Ang pagiging kwela ni Nikko Natividad. Ang todo-bigay-acting ni Ayanna Misola.


Lahat sila ay nakatulong para mas maging masaya ang pelikulang ito.


Good vibes din ang mga kanta. Sinong mag-aakala na ang isang JaDine song* ay magiging swak para sa mga sex scenes?


May mga linyang patama tungkol kay Alma Moreno, at nakakatuwang masaksihan kung paano niya ito harapin. Kailangan ring abangan ang reveal na ginawa para kay Ayanna Misola, dahil mapapahiyaw kayo sa eksenang iyun.


The film is displaying texts on screen to indicate its chapters. They relied on these chapters to summarize the overall message of the movie, making the scenes insufficient to stand on their own. The film is also heavy on narration and inner monologues. Minsan, maganda itong naririnig dahil nakakatawa. Pero minsan, nalilimitahan rin ang naipapakita nilang mga eksena dahil karamihan ay sinasabi na lang.


Marumi ang audio dubbing. Tunog sipon parati si Alma Moreno. Madalas hindi rin swak ang energy na ipinapakita ng mga artista sa boses na ipinaparinig.


The film is high on energy and on camp—which is great. There’s less dead air. But at the same time, it also loses its chance to share sensible moments and impart their message in its sincerest form.


The witty title “Salamat Daks” is underutilized. Nonetheless, “Salamat Direk” for putting up a movie that’s out of the usual Vivamax box.


Mula sa mga nakakaumay na mga palabas ay nagkaroon bigla ng kakaibang init at sigla ang kadiliman ng gabi. Ang tambalang Alma-Nikko ang pinaka-hot at sexy na loveteam ngayon sa Vivamax.


Daks sa kapilyuhan. Daks sa katatawanan.


SALAMAT DAKS

⭐️⭐️⭐️

p.s. Ito ang kauna-unahang pasadong palabas sa Vivamax ngayong taon.

Cast: Alma Moreno, Ayanna Misola, Nikko Natividad, Andrew Muhlach, Marissa Delgado, Marissa Sanchez, Debbie Garcia, Geleen Eugenio, Giselle Sanchez Presented by: Viva Films Date Released: March 10, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

*Hanap-hanap (JaDine song) interpreted by PPop Generation

0 comments
bottom of page