top of page

SALAWAHAN

Salawahan (Vivamax 2024)

Directed by: Jeffrey Hidalgo


May tatlong lalaki na umaaligid kay Angeli Khang. At lahat ng iyun ay may panget na ugali.


Palautos si Albie Casiño.

Creepy si Van Allen Ong.

Maniac si Itan Rosales.


Kung ano mang klaseng pagmamahalan ang pinagsasabi nila sa pelikula, hindi ito kapani-paniwala. Walang tensyon na nabubuo sa mga karakter. Kahit may pagtataksil o panganib na nagaganap, hindi ka matatakot para sa kanila.


Ang pabebe makipagtalik ng mga boys. Para silang Star Magic talent na biglang sinabak sa Vivamax. Pacute lang sila. Walang gigil.


Ingat na ingat pagdating sa mga boys.

Pero hindi naging maingat pagdating sa kanilang paksa.


May konting usapan kung saan pilit nagpapaka-henyo ang mga karakter, pero labas sa ilong ang mga pinagsasabi nila. Ang ending nila ay may kaugnayan sa pinag-usapan nila sa bandang simula. Pero lahat ng nangyari sa gitna ay halos pakikipagtalik lang kaya walang kwenta na rin ito.


Walang pake ang pelikulang ito na talakayin ang mga isyu na meron ang bawat karakter. May infidelity, suicide, murder, roofie, stalking, dark past, at kung anu ano pang hindi maganda. Dumaraan lang ang mga ito na tila okay lang ang lahat.


Hindi rin angkop ang pamagat na Salawahan dahil pinasadahan lang ng mga karakter ang anggulong ito. Kung meron mang naging salawahan dito, yun ay ang mismong pelikula.


Salawahan ang pelikulang ito

dahil pinagsabay nila ang pabayang pagkwento

at pabebeng sex scenes.


SALAWAHAN

Rating: -1/5


SINO ANG PINAKA-PABEBE?

  • Albie Casiño

  • Van Allen Ong

  • Itan Rosales


Cast: Angeli Khang, Albie Casiño, Sheila Snow, Van Allen Ong, Itan Rosales

Story & Screenplay by: Raquel Villavicencio

Presented by: Vivamax, Great Media Productions

Date Released: February 2, 2024 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1

Emotions:  0

Screenplay:  -1

Technical:  0.3

Message:  -2


AVERAGE SCORE

Salawahan:  -0.74

1 comment
bottom of page