top of page

SALISIHAN

Salisihan (Vivamax 2024)

Directed by: Ian Arondaing


Binuntis ni Dan ang girlfriend ng kanyang anak

—habang wala ang kanyang asawa.

Hindi raw niya sinasadya.

Nagka-salisihan lang sila.


Etong mag-asawa na imbes na pag-usapan ang kanilang problema, idinaan na lang sa sex ang lahat. Meron ding mag-ama na ngayon lang nagkita pero wala man lang masinsinang usapan tungkol sa buhay ng isa’t isa.


Sa sobrang tipid nilang magkwento,

naglagay na lang sila ng mga:

  • Weeks later

  • Days later

  • A month later


...para fast forward to sex agad.


Biglang didilim at liliwanag ang eksena. Nakikita ang plaster sa katawan. Malamya ang aktingan nina Chester Grecia, Ralph Christian Engle, at Amabella De Leon. Hindi sila seryosong umarte.


Marunong umarte si Zsara Laxamana. Nasasabi niya nang maayos ang kanyang mga linya. May saysay at punto rin ang ilan niyang nasasabi—lalo na yung tungkol sa pulis at kay Sophie. Maliban dito ay wala ng okay.


Ang kwento at ang palabas

ay nagka-salisihan na naman.

Nauwi ulit sa kantutan.


SALISIHAN

Rating: 0/5


Cast: Zsara Laxamana, Chester Grecia, Ralph Christian Engle, Amabella De Leon

Story by: Kiko Abrillo

Headwriter: John Carlo Pacala

Writer: Rijel Reyes

Presented by: Vivamax

Release Date: February 27, 2024 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: 0.5

Emotions:  0.5

Screenplay:  -1

Technical:  0

Message:  0


AVERAGE SCORE

Salisihan:  0

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page