top of page

SALITAN

Salitan (Vivamax 2024)

Directed by: Bobby Bonifacio Jr.


Apat na tao ang nagsasalitan sa kantutan.


Walang chemistry ang apat na ito. Kulang sila sa lagkit at koneksyon. Hindi ramdam na mag-asawa at mag-jowa sila.


Hindi convincing ang boses nina Vern Kaye at Angelica Hart, pero minsan ay nadadaan nila sa kanilang facial expressions. Mas maraming eksena na nakahubad si Nico Locco kaysa sa naka-damit siya. Hindi siya gaanong umarte. Konting hasa pa kay Matt Francisco para mas mukhang natural ang kilos at boses niya.


Pumunta sila sa Bali, Indonesia kahit hindi kailangan. Hindi naaayon sa estado ng kanilang mga karakter. Makakausad ang istorya kahit saang lugar man sila sa Pilipinas pumunta.


May naidulot na maganda at hindi maganda ang paraan ng kanilang pagkwento. May vantage point ang bawat karakter, pero kapos pa rin para makilala mo sila. May meta scenes ang ilang bahagi, pero hindi nakakatawa.


Halos lahat ng eksena ay may narration. Masyado silang umasa rito. Sinasabi nila na meron, pero hindi yun ang ipinapakita sa eksena. Hindi tumutugma ang mga nakikita mo sa naririnig mo. May mga oras na nakakatawa sana ang narration, pero hindi nakakatawa ang acting.


Pero dahil din sa narration, nagkaroon ng pag-iisip ang bawat karakter.


Boses ni Mercedes Cabral ang ginamit at siya ang nagdala ng buong pelikula. Magaling siya kahit boses lang ang naririnig mo sa kanya. Merong saysay ang mga linyang sinasabi niya. Sakto ang mga sound effects na ginamit.


Sa simula pa lang, ipinakita na kung ano ang ending. Ngunit kahit alam mo na kung ano ang mangyayari sa dulo, may mga sikreto pa ring idinagdag sa gitna para subaybayan mo pa rin ang buong pelikula.


May salitan ng iba’t ibang konsepto para ikwento ang pelikulang ito. Hindi man patok at epektibo ang lahat ng ginamit, sinubukan pa rin nilang gumawa ng bago para sa Vivamax.


Para hindi nakakasawa at nakakaumay ang mga palabas sa Vivamax, sana ay mas marami pang salitan na maganap.


SALITAN

⭐️


Cast: Angelica Hart, Nico Locco, Matt Francisco, Vern Kaye

with the Voice of: Mercedes Cabral

Story & Screenplay by: Juvy Galamiton

Presented by: Vivamax, Diamond Productions, Pelikula Indiopendent

Date Released: February 16, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1.5

Emotions:  0

Screenplay:  1.5

Technical:  1.8

Message:  0


AVERAGE SCORE

Salitan:  0.96

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page