Salome (Sinag Maynila 2024)
Written & Directed by: Gutierrez Mangansakan II
Nakakaawa si Perry Dizon dito.
Bilang karakter at bilang aktor.
Sinubukan niyang buhatin ang buong pelikula gamit ang kanyang husay ngunit nasayang lamang ito.
Sobrang tagal umusad ng istorya. Ang haba ng bawat eksena ngunit ang konti lang ng kanilang naibibigay. Masyado silang umasa sila sa misteryong bumabalot kay Salome.
Nangangalahati na ang pelikula, pero kakarampot pa rin ng kanilang ibinibigay. Habang tumatagal, papalayo ka nang papalayo sa pinapanuod mo.
Pagkatapos nilang mag-aksaya ng isang oras na pahabain ang bawat eksena… Isang bagsakan nilang sasabihin lahat ng mga sikreto ni Salome. May ilang mga karakter na parang nagbabasa lang ng pangungusap galing sa libro. Walang emosyon. Walang ka-latoy-latoy.
Walang dating ang huling eksena. Kahit ano pa man ang kanilang sabihin at gawin, wala ka ng pake sa mga nangyayari.
Wala ka ng pake kay Salome.
𝗦𝗔𝗟𝗢𝗠𝗘
Rating: 0/5
Cast: Perry Dizon, Dolly de Leon, Tommy Alejandrino
Presented by: Reckless Natarajan Pictures
Release Date: September 4-10, 2024 at Gateway, SM Cinemas (NCR), Robinsons Manila & Galleria, and Market Market
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: -0.5
Emotions: -1
Screenplay: 0.5
Technical: 0
Message: 1
AVERAGE SCORE: 0
Comments