top of page

SAPUL

Sapul (Vivamax 2023) Directed by: Reynold Giba


Tatlong Pulis na may kanya-kanyang buhay ang nagka-harap-harap at nagkatutukan ng mga baril.


Sino ang masasapul?


Sapul ni Kiko Estrada ang pagganap bilang isang Pulis na na tuliro at nag-aamok. This is his best performance among his Vivamax filmography. Suzette Ranillo is a scene-stealer. Christine Bermas is becoming a Vivamax prime actress with the way she delivers crucial dramatic scenes.


Magagaling ang mga artista. Pati ang mga ekstra ay makikitaan mo ng potensyal. Bawal ang hindi marunong umarte rito.


Disente ang mga kuha. Simple ang pagkakagawa. Nakakadala ang scoring. Malinis ang audio.


May bala sana ang pelikulang ito. Ngunit halos wala kasing laman ang kwento.


Aabot ng isang minuto hanggang isang oras na halos wala gaanong nangyayari. Mabagal ang daloy ng istorya, dahil wala na pala kasing istorya na maipakita.


Hindi nagkaroon ng pokus sa pagkwento. Mas maraming oras ang napunta dun sa hindi bida kaysa sa pinaka-bida. Andaming pasikot-sikot na hindi naman nagkakatagpo sa iisang daanan.


The mini-sideplots are given more attention than the main plot. The plottwists and turns just add damage to the story that’s already thin. There’s no coherent message that unifies all the scenes.


Ang mga bala ng pelikula ay hindi nagamit nang tama. Kaya nung nagkaputukan na ng mga baril sa bandang dulong bahagi ng pelikula…


Hindi sapul.

Hindi direkta ang tama. Daplis lang ang nadama.


SAPUL

⭐️⭐️ Cast: Kiko Estrada, Christine Bermas, Jeric Raval, Ina Alegre, Richard Solano, Marco Novenario, Ada Hermosa, Sheila Snow, Phoebe Walker, Simon Ibarra, Suzette Ranillo Presented by: Viva Films, Comguild Productions Date Released: April 21, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page