top of page

SENIOR MOMENTS

  • 5 hours ago
  • 2 min read

Senior Moments (2026)

Written & Directed by: Neal “Buboy” Tan

 

2024 pa itong pelikula, ngunit ngayong taon lang ipinalabas sa mga sinehan. Nagkaroon ba sila ng senior moment?


Intro pa lang, wala na silang gana magkwento. Parang powerpoint presentation na inilabas ang mga pangalan ng bawat artista. Yung font na ginamit ay pang opisina at hindi swak sa mood ng eksena.


Nag-eemote si Tessie Tomas, pero blurred ang kanyang mukha. Hindi mo alam kung kanino ba naka-focus ang kamera.


Si Nova Villa, naging robot na. Ilang beses pinutol ang movements niya sa editing. Hindi naman nagbabago ang eksena pero kung saan saan napupunta ang kamay niya.


Kawawa si Noel Trinidad dahil palagi na lang siyang sinisigawan dito. Walang character development ang mga tao sa paligid mula simula hanggang dulo.


Kung paano nila sinimulan, ganon pa rin ang nangyayari. Puro listahan lang ng mga problema at trahedya ang ipinapakita. May nahihimatay. May aalis ng bahay. Nakakalimot. Nagtatampo. Nagkakasakit. Hindi umuusad ang kwento.

 

 

Tatlong magkakaibang scenarios ang parating nagpapalitan, pero hindi nabigyan ng kahit anong effort para pagdikitin sila nang maayos. Parang tatlong standalone episodes at separate clips lang ang pinapanood mo.


OA to the max kung maka-sigaw yung Tita. Feeling Gen Z yung mga apo — kahit halatang hindi. Parang sitcom ang atake, pero hindi naman talaga.


Tunog-horror na piano ang naririnig kapag may dramahan o kulitan. Masakit sa tenga yung audio dubbing. Ang panget tingnan ng pelikula. Hinayaan na lang ang mga aktor sa kanilang mga eksena. Hindi sila ginagabayan. Hindi nabigyan ng hustisya ang kwento ng mga seniors.

 

 

Ang mga wisdom at inspirational quotes ay bigla-biglang binibitawan. Nagkaroon ng reunion out of nowhere. Dinaan sa mahabang narration ang mga natutunan sa buhay.


Nagpatugtog ng nakakaantig na kanta sa bandang dulo. Wala kang mahugot — hindi dahil nakalimot ka — kundi dahil wala silang binuong mga ala-ala upang mabalikan.


May mga eksena kung saan nagiging mahina ang memorya ng mga senior, pero parang hindi ito akma sa nagawa ng pelikula.


Imbes na senior ang nakakalimot,

itong palabas ang dapat na makalimutan.


𝐒𝐄𝐍𝐈𝐎𝐑 𝐌𝐎𝐌𝐄𝐍𝐓𝐒

Cast: Nova Villa, Tessie Tomas, Noel Trinidad, Sid Lucero, Liza Diño-Seguerra, Jeric Raval, Janice Jurado, Madeleine Nicolas

Presented by: A&S Productions

Release Date: August 19, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page