Serbidoras (Vivamax 2024)
Directed by: Ray Gibraltar
Para sa isang Vivamax movie na 50 minutes lang ang running time, ang siksik nito sa kwento at sa sex scenes. Naghubaran sila, pero hindi nila tinanggal ang magandang istorya.
Masayang panuorin dahil magaan ang pagkakadirek ngunit may bigat din ang pagkakasulat. So serious and unserious at the same time.
Tungkol ito sa tatlong serbidoras na naging kabit dahil marupok at mahirap sila. Ang kagandahan dito ay ang kamalayan ng mga karakter na mali ang kanilang ginagawa. Despite their lack of education, the characters still have self-awareness. There’s a conscious effort to be better.
May konting kababuyan pa rin pero hindi na sobra. Kulang pa sa mga eksena na nagtratrabaho ang mga serbidoras. Kapos sa backstory para mas kaawaan at mas maintindihan mo sila. Ang pagmamahal nila sa kanilang mga partners ay hindi masyadong randam. Hindi maganda ang ilang mga kuha. Kitang kita na ang buong katawan ng mga babae. Hindi pinag-isipan ang mga sex scenes.
Nakakatuwa ang samahan ng tatlong bida. Ramdam mong magkakaibigan talaga sila. Derechahan ang kanilang mga usapan. Wala nang paligoy-ligoy pa. Kahit mukha silang hindi seryoso, seryoso ang mga pinagsasabi nila.
The movie is melodramatic and entertaining at the same time, making it an enjoyable watch till the end.
The ending makes you ponder. If beauty is your strongest suit in life… Will you use it as a weapon to survive?
Sa dinami-rami ng ipinalabas ng Vivamax ngayong taon na walang katuturan, ang palabas na ito ay patunay na pwede pa ring pagsabayin ang kantutan at kwentuhan na may laman.
Sa pagkakataong ito, pasado
ang naibigay nilang serbisyo.
SERBIDORAS
Rating: 3/5
Cast: Denise Esteban, Chloe Jenna, Aila Cruz, Nathan Cajucom, Vino Gonzales, Chad Alviar
Headwriter: Frederick Castro
Released Date: May 28, 2024 on Vivamax
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 3
Emotions: 3.5
Screenplay: 2.5
Technical: 1.2
Message: 2.5
AVERAGE SCORE
Serbidoras: 2.54
Comments