top of page

SEVEN DAYS

Seven Days (2024)

Written & Directed by: Mike Magat


A guy kidnaps a woman because he finds her attractive. The kidnapper gives the woman seven days to fall in love with him. Eventually, they got married. Stockholm syndrome is shaking.


Regardless of your religion, this movie is offensive in so many ways. Romanticizing a kidnapper is never lovely. Moreso, the technical aspects of this film is demeaning for all types of audiences.


Kahit sino ka pa, maiinsulto ka kapag napanuod mo ang pelikulang ito sa sinehan. Kahit bare minimum, hindi nila magawa. Mas masahol pa ito sa pito-pito films dahil mukhang less than seven days lang ito ginawa.


Hindi na inayos ang sounds. Kung hindi mahina, sobrang sabog. Nakakabingi sa tenga. Nadedelay yung boses sa pagbuka ng bibig. Yung musical scoring, nananapaw at nakakairita. Nakakatakot na nga ang nangyayari, pero pa-tweetums pa ang tunog.


Nerbyoso ang kamera. Ang hilig manginig at umalog. Palpak ang editing. May black screen kang makikita sa pagitan ng mga eksena. Minsan, pagdududuhan mo na rin mata mo sa mga nakikita mong kabalbalan.


Dalawang artista lang ang madalas ipakita sa mga eksena. Yung kidnapper at yung babae. Ang narcissistic nung kidnapper. Feeling niya ay ginawan pa niya ng pabor yung babae. Tapos yung babae ay sobrang OA. Ang inconsistent ng mga actions niya.


Nagkaroon pa ng music video para sa landian nilang dalawa. Ang lakas din ng loob nilang tapusin ang pelikula sa mga love quotes. Grabe na this. Walang saysay ang ginagawa ng mga karakter. Walang laman ang istorya. Parang ginawa lang itong palabas na ito para paglaruan ang manunuod.


Take note. Rated PG ang pelikula. Habang pinapanuod ng Goldwin Reviews ang palabas na ito sa mismong sinehan, merong mag-ina na nanunuod din. Isang nanay at isang bata. Buti na lang at lumayas sila kaagad.


Ano na lang ang iisipin ng bata?


The film is not demonic, but it has a different depiction of a kidnapper being good. But kidnappers are not good.


Ganitong pelikula dapat ang binibigyan ng Rated X dahil bagsak ito sa kahit anong criteria. Walang itong merit ni-isa. Nakaka-offend at nakaka-insulto itong panuorin.


Kung hindi ito kayang bigyan ng X Rating, pwes hayaan niyong Goldwin Reviews ang magbibigay ng sagad na Negative Rating dito.


𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡 𝗗𝗔𝗬𝗦

Rating: √-♾️/5


Cast: Mike Magat, Catherine Yogi

Story by: Mike Magat, Sherielen Sonza

Presented by: Channel One Global Entertainment Production, Task Company Japan Entertainment Production

Release Date: September 11, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page