SIDE SHOW MUSICAL
- goldwinreviews
- Jul 27
- 1 min read
Updated: Jul 29
Okay sana ang mga kanta, pero hindi maayos ang audio. Mahina ang mic. Halos hindi mo na sila marinig. Lumilitaw na lang ang boses nila kapag sabay sabay na silang kumakanta. Hindi rin maganda ang quality ng instrumental.
Kabog sana ang ilang creative choices, pero minsan ay hindi nagagawa nang maayos. Nawawala ang video feed, kahit importante ito sa eksena. Hindi malinis ang blocking, pero cute ang choreography. Kulang din sa emosyon ang karamihan sa mga cast.
Magaling sina Marynor & Tanya kapag magkahiwalay. Pero alanganin sila kapag magkasama at bilang magkapatid. Hindi nakatulong yung costume at movements nila para paniwalaang magkapatid sila. Hindi masyadong naipadama ng palabas na ito ang kanilang mga pagdurusa at paghihirap.
Lahat ng nasa ensemble ay pwede maging lead. Nakaka-kilabot ang taas ng boses ni Mikee Baskiñas. Emote kung emote si Rhap Salazar kapag nasa entablado na. Kahit may wardrobe malfunction, give na give pa rin sa pagsayaw si Ian Hermogeses. Nakakadala at may impact ang mga movements ni Red Nuestro.
The spellbinding aura of Pamela Imperial manages to glow amidst the pool of performers. Her expressive face says it all.
A true standout, Marvin Ong has an impactful presence and big voice that make him a key player worth applauding. Definitely not a side character!
Overall, this show is not bad, but it’s also not a wow. Not for main attraction, this play is for side show after all.

Comments