top of page

SIERRA MADRE: ISANG MUSIKAL

The backdrop for Sierra Madre is stunning.

The background music is inviting.

The background cast can be playful and funny.


Puro back yung kadalasang maganda.

Hindi yung mga frontliners.


Nangibabaw ang kaba ni Jewelrae Ferrer at naka-apekto ito upang maging delikado ang kanyang performance. Kapos sa tindig, tikas at lakas si Kenzo Carolino. Hindi nakakatakot na kontrabida si EJ Recalde. Walang gana magsalita si Rex Cortez.


Hindi bagay kay Ricky Tadem ang role, ngunit malakas ang kanyang dating. Christian Castillo seems uncomfortable with high notes but sounds fine on low notes.


Karamihan sa mga artista ay hindi isinasapuso ang kanilang mga sinasabi. Walang emosyon. Minsa’y nabubulol pa. Basta-basta na lang nilang binitawan ang kanilang mga linya.


On the other hand, Joemmaeus Mercado is not just throwing lines out of memorization. There’s weight in her words. Her portrayal comes across as grounded and sincere, giving the sense that she truly cares about what she’s saying.


Despite being part of the ensemble, Benedict Pami has the ability to stand out with commanding stage presence. Bongga ang kanyang enerhiya.


Ramdam ang mga pinagsasabi ni Jessica Abe. Nakakatawa ang mga side banats ni Andrea Noble. Hindi mo alam kung part ba yun ng script or hindi, pero natural ang kanyang pagiging ice breaker kapag serious na ang mood.

Nakaka-distract pakinggan ang mga kantahan dahil shaky ang boses ng karamihan. Hindi na maintindihan mga kinakanta nila. Hindi rin swabe kung paano ipinapasok ang mga kanta sa mga eksena.


Makalat ang flow at transition. Hindi maayos ang pagkakatahi ng past at present. Halos wala kang masundan na kwento. May mga sandali na puro itim na lang nakikita mo dahil hindi nila alam kung papaano itatawid ang mga susunod na eksena.


Kinulang sa diskusyon tungkol sa kanilang paksa. Hindi naging malakas ang mensahe. Hindi ramdam ang bagyo at kaguluhang nangyayari. Madalas ay dinadaan nila sa daldalan ang mga gusto nilang sabihin.


Literal na maingay at nawawala-wala ang microphone. Alanganin ang mga posisyon nila sa entablado. May ilang bahagi na nasa sahig ang mga karakter at hindi na makita ang buong katawan nila.


Even with a lot of room for improvement, this show still deserves credit for its music component (minus the singing). Most melodies are catchy, with instrumentals that can draw you in. There are 14 original Filipino music songs and all of them are composed by students.


That fact alone is an achievement already, but it’s not enough to save the show. Siguro kung listening session lang ito, baka nasagip pa ang 𝘚𝘪𝘦𝘳𝘳𝘢 𝘔𝘢𝘥𝘳𝘦. Pero sa ngayon, ito’y nanganganib.


𝐒𝐢𝐞𝐫𝐫𝐚 𝐌𝐚𝐝𝐫𝐞: 𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐬𝐢𝐤𝐚𝐥 (𝟐𝟎𝟐𝟓) runs from April 28-May 3 on selected dates and times at the UST Albertus Magnus Building (open to all Thomasian and non -Thomasian audiences). You may purchase your tickets here: https://bit.ly/42i2hge, or visit MEDIARTRIX - UST for more details.



Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page