top of page

SILA AY AKIN

Sila Ay Akin (Vivamax 2023)

Directed by: McArthur Alejandre


Isang pamilya ang nagdadamayan sa hirap at ginhawa. Kung ano ang dinaranas ng isa ay pasanin na ng lahat.


Matiwasay ang simula. Naipakita kung paano sila mamuhay at makisama sa isa’t isa. Naipakilala ang bawat miyembro ng pamilya.


Angat na angat ang galing ni Angie Castrence. Okay umarte sina Azi Acosta at VR Velosa ngunit may mga pagkakataon na kulang pa sila sa emosyon lalo na pagdating sa mabibigat na eksena. Matino ang naging pagganap nina Cess Garcia at Andrea Garcia. Hindi natural umarte sina Vince Rillon at Angeli Khang.


Pagkatapos ipakilala ang pamilyang ito, matagal na ulit bago makausad ang istorya. Hindi na umangat ang tensyon.


Kung sakiling may away, biglaan itong mangyayari. Hindi mo alam kung bakit may sumisigaw na lang agad. Mapapatanong ka kung saan nanggagaling ang mga hugot nila. May mga karakter din na pumasok lang para magdulot ng problema sa pamilya.


Hindi nakakaakit ang mga kuha. Hindi rin gaanong natalakay ang paksang prostitusyon. Sumasayaw-sayaw lang sila at nakipagtalik kung kani-kanino. Kaunti lang ang makabuluhang usapan ukol dito.


Hanggang sa pagpapakilala lang ng pamilya ang nagawa nila. May mga kaganapan na sila sila na lang ang nakakaalam at hindi na ipinakita sa atin.


Ang mga pinagdaraanan nila bilang pamilya

ay hindi tuluyang nakarating sa atin.


Kung anong meron sila ay

hindi tuluyang naging atin.


SILA AY AKIN

⭐️


Cast: Azi Acosta, Angeli Khang, VR Relosa, Vince Rillon, Roni Bertubin, Andrea Garcia, Cess Garcia, Angie Castrence

Date Released: October 27, 2023 via Vivamax

Presented by: Viva Films

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page