SINE SINDAK 2026
Ranking for all Sine Sindak 2026 films

1️⃣ The Influencer Project
2️⃣ Crawlers
3️⃣ Never After Dark
4️⃣ Cerita Lila
5️⃣ VHS
6️⃣ Phi Phong
7️⃣ App The Horror

The Influencer Project (Sine Sindak 2026)
Directed by: Mike Nybroe
The moment na magsimula ang pelikula, konektado ka na kaagad. Wala siyang downtime. Hindi siya nag-offline.
Ang galing ng pagkaka-edit. Mabilisan ang palitan ng screen at orientation. Parang content na itinuring ang buong pelikula. Fast-paced ang lahat. Kahit mababa ang attention span mo, makakasubaybay ka.
Easy to follow ang lead character. Chiara King is lovable and believable. She naturally speaks the language and possesses the tenacity of an influencer.
Pros and cons of being an influencer are both highlighted. Different kinds of content and topic are shown, yet they’re not messy to look at. They all fall under one big umbrella, covering the trends in social media.
Whenever there’s a followers check, there’s also a reality check. As her content rises in the algorithm, she is also being pulled down by the dangers that come with it.
Mula sa faceless troll to ruthless stalker, intense ang naging escalation. Kahit hindi na safe ang nangyayari, passive pa rin ang naging investigation at active pa rin sa content creation.
Nakakapangduda ang authenticity ng content. Nakakapraning ang troll at stalker. Nakakatakot maging influencer. Napaka-extreme ng mga ipinakitang posibilidad.
It’s off when the film places too much burden on content creators, downplaying parents’ responsibility to protect their children. Nonetheless, it’s a good reminder for influencers to be mindful of their impact and use their platforms responsibly.
More than just a project and content, this film deserves your feed and your screen time.
𝐓𝐇𝐄 𝐈𝐍𝐅𝐋𝐔𝐄𝐍𝐂𝐄𝐑 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓
Cast: Chiara King, Luca Storm, Mike Nybroe, Jazmine Summer, Alexandre Willaume
Screenplay by: Anders Jon, Mike Nybroe, Lars Andreas Pedersen
Presented by: Hades Films, Pont Neuf Productions
Release Date: October 28 to November 3, 2026 for Sine Sindak in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Crawlers (Sine Sindak 2026)
Directed by: Ángel Gómez Hernández
Para sa ₱100 na ticket price at kung hanap niyo lang ay barkada movie na masayang panoorin at maraming pwedeng sigawan moments… pasok na siya sa banga.
As usual, there are many stupid and irritating characters. But they’re not the ones who make this movie a fun watch — it’s actually the spiders.
Their movements are unpredictable. Hindi mo alam kung saan sila lalabas at kung kailan sila magpapakita. Pwedeng sa ilalim ng kumot o sa loob ng chips. Kahit lumabas na sila, aabangan mo pa rin kung gaano sila kabilis kumilos dahil paiba-iba sila ng klase ng atake.
Nakakadiri ang prosthetics at make-up. Nakakagulat ang mga eksena. Nakakatawa na merong POV ng spider. Na para bang may backstory pa silang kailangan ipaglaban. Mabilis nag-escalate ang lahat.
Kung napanood niyo yung 𝘐𝘯𝘧𝘦𝘴𝘵𝘦𝘥 movie noon, parang ganito rin siya. Parang hindi na rin mahalaga kung ano ba ang istorya kung maya’t maya naman ay ginagapang ka ng gagamba.
𝘊𝘳𝘢𝘸𝘭𝘦𝘳𝘴 does the job in keeping its audience awake and entertained.
Good job, dear spiders!
𝐂𝐑𝐀𝐖𝐋𝐄𝐑𝐒
Cast: Matilda Lutz, Gregg Sulkin, William Miller, Melina Matthews
Screenplay by: Jayson Rothwell
Presented by: Badlands, Thunder Road Films
Release Date: October 28 to November 3, 2026 for Sine Sindak in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Never After Dark (Sine Sindak 2026)
Directed by: Dave Boyle
The movie takes its time building its atmosphere. At times, it works as it makes you curious about what else their world has to offer.
Pero kadalasan, ang boring din panoorin dahil ang kaunti lang ng ipinapakita lalong lalo na sa first half. Antagal umusad ng kwento. Mahiyain ang pananakot sa simula. Bihira lang magpakita ang multo. Kung magkaroon man ng encounter, natatapos rin ito kaagad.
Mas drama pa ang nangyayari sa paligid. Paghihinalaan mo lang ang motibo ng mga karakter. Puro haka haka lang ang pwedeng gawin.
Wala kang masyadong nalalaman. Pagdating sa bandang gitna, biglang ibinunyag ang mga sikreto.
Even if secrets are revealed, they don’t matter that much just as the death scenes don’t make much impact. The story isn’t engaging in the first place.
Towards the end, a twist elevates the story, making the film worth a second chance.
The main character’s actions are becoming darker, coinciding with the film’s visuals. The villain is so easy to despise that defeating him feels like the best thing to do.
The last few scenes are the darkest, but be warned that it takes a very long time before the film gets there.
𝐍𝐄𝐕𝐄𝐑 𝐀𝐅𝐓𝐄𝐑 𝐃𝐀𝐑𝐊
Cast: Moeka Hoshi, Kurumi Inagaki, Kento Kaku, Mutsuo Yoshioka, Bokuzo Masana, Tae Kimura
Screenplay by: Dave Boyle
Presented by: SIGNAL181
Release Date: October 28 to November 3, 2026 for Sine Sindak in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Cerita Lila (Sine Sindak 2026)
Directed by: Bobby Prasetyo
Merong effective jumpscares. Ang multo ay kaya nilang gawing nakakatakot o nakakaawa. Naglaan ng oras upang magkwento ang pelikulang ito.
Pero nasobrahan sa backstory at natabunan na ang kilabot at takot. Ang haba ng drama portion kahit nabunyag na nila kung ano ba ang nangyayari. Super stretched.
Meron silang sensitibong tema na paulit-ulit nilang ipinapakita. Hindi siya na-handle nang maayos at ginamit lang talaga para manakot.
Bigla silang mananakot pero bigla ring mawawala. Nawawala, bumabalik, heto na naman ang atake. May problema sa pacing. Hindi na-su-sustain ang excitement.
Usually kapag nakita na ng main character ang multo, tuloy tuloy na dapat yun at pataas na nang pataas ang tensyon. Pero dito, nagagawa pa nilang magpahinga kahit nasa dulong bahagi na ng pelikula.
Kulang sa tamang timpla ang CERITA LILA para mas mangingibaw pa sana ang pananakot.
𝐂𝐄𝐑𝐈𝐓𝐀 𝐋𝐈𝐋𝐀
Cast: Lutesha, Shareefa Daanish, Myesha Lin, Firzanah Alya, Sara Wijayanto, Wisnu Hardana, Wafda Saifan, Whani Darmawan
Screenplay by: Erwanto Alphadullah and Gea Rexy, based on Sara Wijayanto’s YouTube series “Diari Misteri Sara”
Presented by: MVP Pictures, Legacy Pictures, Folago Pictures
Release Date: October 28 to November 3, 2026 for Sine Sindak in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

VHS (Sine Sindak 2026)
Ang mga nagdaang horror films ng Viva ay 𝘙𝘰𝘴𝘢𝘳𝘪𝘰, 𝘗𝘢𝘴𝘢𝘩𝘦𝘳𝘰, 𝘕𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘛𝘢𝘵𝘢𝘺, 𝘔𝘢𝘳𝘺 𝘊𝘩𝘦𝘳𝘳𝘺 𝘊𝘩𝘶𝘢, 𝘔𝘢𝘳𝘪𝘵𝘢 — at ang lahat ng iyon ay ampapanget.
Kung isasama sa listahan ang 𝘝𝘏𝘚, marahil ito na ang pinaka-okay sa kanilang lahat… ngunit nakakalungkot pa ring isipin. It’s unfortunate that even at their best, they’re still not good enough.
𝘝𝘏𝘚 consists of three different stories that aren’t connected to one another, except that they all contain horror elements.
EPISODE 1: Indifference
Pare-parehas ang naging atake sa mga eksena. Excessive zoom in sa mga mukha at bibig. Paulit-ulit ang mocking lines. Nakakasawang pakinggan. OA ang performances. Nakakatawa na naging contortionist bigla si ate. Nakasalalay sa malakas na scoring ang pananakot. Walang istorya ang pelikula, pero maraming gulatan at takutan na pwedeng pagtiyagaan.
EPISODE 2: Affirmation
Bagay sana ang role sa mga bida. Mukhang creepy si McCoy De Leon. Mukhang people pleaser si Ella Cruz. Ngunit halatang umaarte lang sila at nasa palabas lang sila. Skin-deep ang pagkakagawa sa eksena. Panlabas na hitsura ng shots lang ang iniintindi. Nakatutok sa mga kaaartehan. Kung gaano kalala ang amats ng karakter, ganun din karami ang butas ng kwento. Dragging siyang panoorin. Halatang pinapahaba at tinitira sa dulo ang sikreto. Anticlimactic ang naging reveal.
EPISODE 3: Standards
The story about an unwanted child makes this movie intriguingly unsettling. Sometimes, the actors’ portrayals are convincing especially when they are being evil. However, in moments when their facial reactions are needed the most, they fail to deliver. Kulang sa POV ng society at ng bata upang mas maging nakakagigil pa sana ang mga eksena. Nakatutok masyado sa mga parents na halos parehas lang ang naibibigay. Kulang sa kilabot ang ending. Pero may potensyal sana ang episode na ito para maging full length — kung mas pinagtuunan lang ng pansin ang kwento.
Overall, kapos sa laman ang mga horror stories. Dinadaan sa mga reaksyon ng artista na hindi makatotohanan tingnan. Mahirap kumapit sa mga kwento dahil alam mong peke ang pagkakagawa. Dinadaan sa pagiging OA. Nilalakasan ang sounds. Superficial ang dating.
Halatang palabas lang ang pinapanood mo. Dun sila parating kinukulang. Hindi sila makapasok sa realidad. Lutang sila parati.
The most horrifying thing about a movie is when it fails to make you believe that what you’re seeing is true. And that’s exactly how Viva Horror Stories are told.
𝐕𝐇𝐒
Cast: Sarah Lahbati, McCoy de Leon, Ella Cruz, Kit Thompson, Sachzna Laparan
Presented by: Viva Films
Release Date: October 28 to November 3, 2026 for Sine Sindak in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Phi Phong: The Blood Demon (Sine Sindak 2026)
Directed by: Đỗ Quốc Trung
Grabe. Andaming nangyayari. Para kang nag-binge-watch ng mga teleserye na may limang chapters. Maya’t maya ay may bagong episode na inuumpisahan. Hindi mo na alam kung kaninong istorya ba ang sinusundan mo. Hindi mapakali yung writer.
Ang hilig nilang banggitin si Phi Phong. Magkwento saglit tungkol dito. Tapos next scene na kaagad. Makakalimutan na naman si Phi Phong, dahil andaming side stories na ipinapasok
May ritual na sila lang ang nakakaalam kung ano ang rules and regulations. Hinahanap ang
Octagon ni Inay. Palaisipan kung Spirito ba o Doppelgänger ang kalaban.
May mga Shaman na hindi kilala kung sino siya man. Nagkaroon na ng identity crisis halos lahat ng karakter. Sisimulan sa pananakot, pero sa drama parati natatapos ang problema.
May ADHD ang pelikula. Palipat-lipat ang eksena. Imbes na jumpscare ang abangan, puro plottwist na lang ang inaantay.
Hindi siya nakakatakot.
Nakakapagod siyang panoorin.
Parang Ping Pong na patalon-talon itong PHI PHONG.
𝐏𝐇𝐈 𝐏𝐇𝐎𝐍𝐆: 𝐓𝐇𝐄 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐄𝐌𝐎𝐍
Cast: Kiều Minh Tuấn, Đoàn Minh Anh, Diệp Bảo Ngọc, Nina Nutthacha Padovan, Hạnh Thúy
Screenplay by: Võ Nguyên Đán, Nguyễn Thị Ngọc Bích, Triệu Hoàng My; inspired by Vietnamese folklore
Presented by: Bluebells Studios, Mockingbird Pictures
Release Date: October 28 to November 3, 2026 for Sine Sindak in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

App the Horror (Sine Sindak 2026)
Directed by: Hyung Seul-woo, Ko Hee-seop, Lee Sang-min, Sun Jong-hoon, Son Min-zun, Kim Seung-tae
Nakakasuka siyang panoorin. Puro pananakot lang ang ginawa tapos walang context. Pati movie title, wala ring kwenta.
6 na magkakaibang episodes ang ipinalabas. Wala silang kinalaman sa isa’t isa maliban sa mobile app.
EPISODE 0 — Dito unang sinubukan ang app pero dumaan lang na parang multo ang episode.
EPISODE 1 — Nakakaumay sila magtrabaho. Kung kailan nagsisimula na manakot, biglang tinapos na kaagad.
EPISODE 2 — Bus ride na may mysteryosong passenger at driver. May effort na lagyan ng kwento ang biyahe.
EPISODE 3 — May nanakot lang sa hallway tapos yun na.
EPISODE 4 — May potensyal. Pinaghalo ang konsensya at karma. Sabog at lutang ang pagkakagawa na akma sa kautahan ng karakter.
EPISODE 5 — Pakielamerang boarder tapos namatay.
Kapag pinanood mo ang 6 episodes na magkakasunod, nakakaumay at nakakasuka talaga siyang panoorin. Masyadong pilit ang paggamit sa mobile app. Pares-parehas ang ending at paraan ng pananakot.
Para kang nanonood ng magkakasunod na teaser trailers at project pitching na magkakaiba ang concept. Lalabas kang sinehan na uhaw sa kwento at umay sa pananakot.
Sa Sine Sindak, parating may nilalagay na chakang horror movies para pampadagdag sa options, isa na ang APP THE HORROR sa mga filler movies. Que Horror talaga siya.
𝐀𝐏𝐏 𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐎𝐑𝐑𝐎𝐑
Cast: Kim Young-jae, Kim Ju-a, Yang Jo-a, Kim Hee-jung, Park Seo-ji, Kim Young-sun, Anupam Tripathi, Lim Ye-eun, Son Min-zun, Lee Seung-yeon, Kim Gyu-nam, Kim A-cheon
Screenplay by: Hyung Seul-woo, Lee Sang-min
Presented by: Heart People Pictures
Release Date: October 28 to November 3, 2026 for Sine Sindak in SM cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments