top of page

SINGLE BELLS

Single Bells (SMMFF 2023)

Directed by: Fifth Solomon


Dalawang babae na walang jowa

are making patawa all the way.

Pero karamihan talaga ay waley.


For a comedy movie, this turns out to be

more lonely than funny.


Nagpapatawa sila, pero mas malulungkot ka dahil hindi ito nakakatawa. Sa bawat ingay ng dalawang bida, ang katumbas na reaksyon ay katahimikan.


Hindi buo at hindi pulido ang pagkakakwento. Ang tanging nagbubuklod sa lahat ng mga kaganapan ay ang boses ni Papa Jack.


Mas nakakadala ang mga eksena nung hindi na sila nagpapatawa. Mas tumatagos ang mga linya kapag seryoso na ang mga usapan. Mas naibibigay nila ang mensahe ng pelikula nung tapos na ang mga biruan.


Ruby Ruiz is underutilized both in drama and comedy parts. Julian Roxas is unexpectedly entertaining. The main contribution of Aljur Abrenica is his body. Alex Gonzaga and Angeline Quinto’s high energy can’t save the movie.


𝗦𝗶𝗻𝗴𝗹𝗲 𝗕𝗲𝗹𝗹𝘀 is just sad to watch.

It didn’t bring 𝗝𝗼𝘆 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱.

Instead of laughs, it’s just a 𝗦𝗶𝗹𝗲𝗻𝘁 𝗡𝗶𝗴𝗵𝘁.


SINGLE BELLS

Rating: 0/5


p.s. Try to watch Fifth Solomon’s other movies

𝘋𝘶𝘭𝘰 (4/5 stars) and 𝘛𝘩𝘦 𝘌𝘹𝘰𝘳𝘚𝘐𝘚 (3/5 stars).


Cast: Alex Gonzaga, Angeline Quinto, Aljur Abrenica, Ruby Ruiz, Julian Roxas

Presented by: The Fifth Studio, TinCan Films

Release Date: April 8, 2023 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page