top of page

SISID MARINO

Sisid Marino (Vivamax 2024)

Directed by: Joel Lamangan


Isang marino ang sumisid sa kaibuturan ng kanyang asawa. Habang nasa ilalim, nagpapalitan sila ng mga maaanghang na salita.


“𝘔𝘢𝘳𝘪𝘯𝘰 𝘬𝘢 𝘯𝘨𝘢. 𝘈𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘰 𝘴𝘶𝘮𝘪𝘴𝘪𝘥.”

- sabi ng kanyang asawa


Pang comedy ang mga linyahan, pero heavy drama ang atake sa mga eksena. Pagdating sa dulo, naging gore at thriller na siya. Walang direksyon ang pelikula.


Ang mga sex scenes ay papunta na sa scandal dahil sa sobrang laswa. Masyadong nababoy ang mga katawan nila.


Andaming mga artista na nandito pero hindi sila kailangan. Merong karakter na lumabas lang sa isang eksena tapos pinatay kaagad. Merong naki-chismis. Merong nagpa-cute lang. Kahit wala ang mga yan, makakausad pa rin ang istorya.


Ang haba minsan ng mga sinasabi nila kahit paulit-ulit na lang. Kulang na kulang sa emosyon si Julia Victoria. Blanko ang kanyang mukha. Maayos ang akting ni Ataska rito. Kung magagabayan pa at kung mabibigyan ng tamang proyekto, mas gagaling pa si Jhon Mark Marcia.


Sa pagkakataong ito, naging acting exhibition na lang ang buong pelikula. Iiyak sila, magagalit, magdadabog kahit walang pinapatunguhan ang istorya. Imbes na maglaan ng oras para ayusin ang script, nagbigay na lang ng exposure sa mga artista para makaarte sila.


The guy was having an emotional breakdown, then his wife licked his fingers to calm him down. The girl was so depressed, then his husband removed her underwear as a solution.


There’s no food at the table, so the couple just ate each other literally—licking each other’s blood.


Indeed, sex has a lot of benefits.

This movie just pushed it to the limits,

failing to dive deeply into their chosen topic.


Hindi marunong sumisid ang pelikulang ito.

Kung kaya’t sa huli, sila ay nalunod.


SISID MARINO

Rating: -1/5


Cast: Julia Victoria, Jhon Mark Marcia, Ataska, Cariz Manzano, Juan Calma, Yda Manzano, Jim Pebanco, Dorothy Gimore, Marcus Madrigal, Benjie Felipe, Ayah Alfonso, Caramel, Rave Obado, Daniela Carolino, Melando Pingol

Screenplay by: Eric Ramos

Presented by: LDG Productions

Release Date: June 14, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Коментарі

Оцінка: 0 з 5 зірок.
Ще немає оцінок

Додайте оцінку
bottom of page