SPRING IN PRAGUE
- goldwinreviews

- 38 minutes ago
- 2 min read
Spring in Prague (2026)
Directed by: Lester Dimaranan

Spring is when the flowers bloom. But unfortunately, the film didn’t manage to bring that same sense of feeling into its characters.
Kulang sa chemistry ang dalawang bida. Biglaang umusbong ang relasyon nila. Kahit ilang araw pa lang silang nagsasama, ang tindi na agad ng tama. Handa pa silang mag-ibang-bansa at makipagpantayan para sa pagmamahalan nila.
Maliban sa nasasarapan daw sila sa sex, hindi mo na alam kung anong nagustuhan nila sa isa’t isa.
Hindi naglaan ng oras para pag-usapan ang kanilang nararamdaman at napagdaanan. Ang awkward ng mga transition. Mabilisang tumatalon ang mga eksena.
Ang daming nangyayari. Pang-teleserye ang lawak ng kwento, ngunit pinagsiksikan nila sa iisang pelikula. Akala mo season finale na, pero may book 2 pa pala.
Sayang ang location. Hindi naibahagi ang kanilang kultura. Binabanggit lang nila ito at hindi naipapakita. Maganda rin sana yung mga paksa tungkol sa embassy at deportation, pero hindi rin ito napag-usapan. Kusa na lang naayos ang mga problema.
Hindi swak ang magaan na direksyon sa bigat ng mga nangyayari. Hindi rin magaling umarte ang karamihan sa mga artista. Ang hirap bigyan ng importansya ang mga ginagawa nila. Walang investment para sa kanilang pagmamahalan. Ang lamya ng mga kanta. Hindi siya romantic pakinggan at panoorin.
Kapag nag-uusap ang dalawang bida tungkol sa kanilang sitwasyon, dun nagkakaroon ng kaunting ganda ang pelikula. Kapag binibigyang pansin ang pagkakaiba ng kanilang kultura at distansya, dun nagiging makatotohanan ang istorya.
Ngunit kakarampot lang ang ganung mga sandali. Gayunpaman, nakapagbigay pa rin sila ng pahapyaw kung paano pwedeng magkatagpo ang dalawang magkabilang mundo.
Compromise is one of the few elements that springs to the surface in the movie. But when it comes to presenting the story, everything unfolds too quickly. It’s difficult to appreciate what they have because you don’t see how the relationship naturally grows. In the end, love fails to truly blossom.
𝐒𝐏𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍 𝐏𝐑𝐀𝐆𝐔𝐄
Cast: Paolo Gumabao, Sara Sandeva
Written by: Eric Ramos
Story by: Ferdinand Topacio
Presented by: Borracho Film Productions
Release Date: February 4, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments