top of page

STAR DANCER

Star Dancer (Vivamax 2023) Directed by: Pam Miras


An aspiring ballet dancer applies a job at a night bar to be a sexy dancer.


Eto ang pinaka-maganda at pinaka-matinong role na nagawa ni Denise Esteban. Naipakita niya ang kanyang totoong kakayahan sa pag-arte. Ngunit hindi nga lang nakakabilib ang kanyang mga galaw bilang isang mananayaw.


Nung lumabas si Rose Van Ginkel, ramdam agad ang kanyang presensya—lalo na nung sumayaw na siya sa entablado. Nakakatuwa ring makitang umarte sina Erika Balagtas, Arah Alonzo, at Geleen Eugenio.


The film is showing chapter titles on screen. These intertitles almost dictate the message in the scenes you’re about to watch. It spoils the experience of discovering things on your own.

Some characters did something disrespectful. It would have been better if these issues were tackled. Otherwise, most dialogues felt truthful.


Kakaunti lang ang mga sayaw na naipamalas. Bitin ang tagisan ng galing ng dalawang bida. Pero sa tuwing sila’y sasayaw, sakto ang mga kantang ginagamit.


Ang mga tunog sa sex scenes ay masarap din sa tenga. Hininga lang ang kadalasan mong marinig kung kaya’t mas dama mo ang mga kilos nila.


Maganda ang mga kuha, ang musika, ang kulay, at ang mismong istorya. Lumabas ang angas ng kababaihan sa pelikulang ito.


Eto ang Vivamax movie na hindi binastos ang mga babae at tinuring silang mga artista.


Ginamit ang kanilang katawan para ipakita ang kanilang kakayahan at hindi para sa kabastusan.


Sa pagkakataong ito, mga babae ang humakbang at namuno sa entablado. Palakpak ang katumbas na reaksyon para dito.


STAR DANCER

⭐️⭐⭐️

p.s. This is the most decent 2023 Vivamax film as of June 2, 2023.

Cast: Denise Esteban, Rose Van Ginkel, Arron Villaflor, Karl Aquino, Billy Villeta, PJ Rosario, Niño Mendoza, Jason Cometa, Sahil Khan, Erika Balagtas, Arah Alonzo, Geleen Eugenio Presented by: Viva Films Date Released: June 2, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page