top of page

SUGAR BABY

Sugar Baby (Vivamax 2023)

Directed by: Christian Paolo Lat


Dahil sa hirap ng buhay,

si Jennifer ay naging isang Sugar Baby.


Antagal bago napunta ang istorya sa Sugar Dating.

Tapos nung napunta na dun, halos dinaanan lang ang paksang iyun. Ambilis ng character change. Ambilis ng decision-making.


Limitado ang kanilang naging representasyon para sa Sugar Dating. Sa tuwing susubukan nilang talakayan ito, napupunta na lang ang karamihan ng oras sa sex scenes.


Marami ring subplots na hindi nakwento nang maganda. Karamihan sa mga linya ay bigla-bigla na lang sasabihin. Hindi sapat ang mga eksenang ipinakita para makabuo sila ng mga relasyon na kakapitan mo. Hindi ramdam ang paghihirap, pagod, takot, at pagmamahalan na binabanggit nila.


Hindi na lumalawak ang mga kwento sa Vivamax. Nang isinilang sila sa mundong ito, nakuntento na lang talaga sila sa sex scenes.


May chance pa bang mag-grow ang Vivamax?

SUGAR BABY

Rating: 0/5


Cast: Azi Acosta, Robb Guinto, Mon Mendoza, Josef Elizalde, Jeffrey Hidalgo

Presented by: Viva Films

Date Released: November 24, 2023 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page