top of page

SWEET ESCAPE

  • 4 hours ago
  • 2 min read

Sweet Escape (Sinag Maynila 2026)

Directed by: Rommel Ricafort


Sobrang moody ng palabas. Habang pinapanood mo ito, parang sampung director at editor ang nagtatalo-talo kung anong istorya ang gusto nilang ipakita.


Simula pa lang, may recap na kaagad. Halos wala pang nangyayari, pero naglagay na ng flashback. Mula sa pagiging intense, napunta sa romcom. Ang hilig nilang tumalon sa iba’t ibang eksena. Walang establishing. Abrupt ang shifting.


Kapag may problema, hindi mo alam kung paano nila nagagawan ng solusyon. Kapag may confrontation, hindi nila nasasagot ang tanong ng bawat isa. Parang kausap lang nila sarili nila.

Basta-bastang pinapatugtog ang mga kanta sa background. Alangangin ang scoring. Minsan, ang effects ay papunta na sa Bollywood. Hindi natural at super awkward ang pagkakagawa sa ilang eksena. Patong patong ang twist, pero hindi nila napaninindigan.


Ang mga trabaho ng bida ay panay sinasabi lang pero hindi ginagawa. Vlogger daw, pero walang kamera. Writer daw, pero hindi nagsusulat. Doktor at businessman sila, pero hindi naipapakita sa kanilang katauhan. Nagluto lang ng samgyupsal, magaling na cook na kaagad.


Andaming lait ng bidang Koreano tungkol sa mga Pilipino, tapos pinagkakitaan pa niya ang mga ito. Walang pagkakataon kung saan klinaro niya ang kanyang observation sa Pilipinas. Dinaan na lang sa mga pa-cute.


Kang Donggun and Arci Muñoz can deliver in their lighthearted moments, but struggle in the heavier ones. Matet De Leon instinctively knows what mood she needs to bring to the table. She can be funny and serious whenever she likes. 


The film could’ve been saved by staying simple and sweet, but the lack of consistent direction becomes overpowering—leaving the story trapped in its own misery with no way out.


𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓 𝐄𝐒𝐂𝐀𝐏𝐄

Cast: Arci Muñoz, Kang Dong-gun, William Lorenzo, Matet De Leon, Ayeesha Cervantes

Screenplay by: Shine Ricafort

Presented by: RR Entertainment Production

Release Date: March 23-29, 2026 for Sinag Maynila

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page