top of page

TAG-INIT

Tag-init (Vivamax 2023) Directed by: Jose Javier Reyes


Maglagay tayong kamera diyan. Tapos usap kayo tungkol sa kalibugan. And by the way, mag-sex na rin kayo.


That’s the movie in a nutshell.


Kung anu-ano na lang ang pinagsasabi. Hindi mo alam kung sino ba ang mga karakter rito at kung ano ang gusto nilang patunayan.


Imbes na pag-usapan ang pagiging bata at matanda. Pagiging kabet at malaya. Nauuwi na lang sa sex o jah-cool-lan. Wala nang maayos na usapan.


Nakakatawa ang mga hirit ni Yen Durano, ngunit hanggang ganun lang. Kaangasan at katawan naman ang kontribusyon nina Ali Asistio and Aerol Carmelo.


Franki Russell provides the lousiest sex scenes in Vivamax history. Hindi pa rin siya marunong umarte. At ang boses niya rito ay tunog peke at pabebe.


Nag-mukhang special participation si Clifford Pusing sa pelikula. Lumalabas lang siya para magpa-cute kay Franki Russell. O para asarin ng kapatid niya. May narration pa sa siyang nalalaman sa simula at sa dulo, pero wala namang maayos na kwento para dun.


Ano pa ba ang iyong mararamdaman pagkatapos panuorin ang pelikula…


Init ng ulo. Init ng dugo. Inis na nakakapanlumo.


TAG-INIT

Rating: -1/5 Cast: Clifford Pusing, Franki Russell, Ali Asistio, Aerol Carmelo, Yen Durano, Axel Torres, Mark Acueza Presented by: Largavista Entertainment, Viva Films Date Released: January 20, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page