top of page

TAONG GRASA

Taong Grasa (AQ Prime 2023) Directed by: Neal ‘Buboy’ Tan


Isang Doktor ang nakakita ng Taong Grasa. Pinakain niya sa Burger King Drive Thru. Inuwi sa bahay at ipinakilala kay misis.


Pinahabang foreplay ito para sa kanilang lampungan. Nadungisan lang ang Taong Grasa at Doktor sa ginawa nilang kwento. Naging parausan ang usaping mental health.


Malala ang imahinasyon ng writer. Ang laswa ng mga nangyayari. Naninilip na ang cameraman sa kanyang mga anggulo. Walang paki-elam ang direktor kung ano pa man ang makita. Kung sabagay, iisa lang pala ang writer at director ng palabas na’to.


The movie is 100 minutes long with 10+ sex scenes. Each sex scene is around 2-5 minutes long. Imagine how the story flows.


Punta sa trabaho ang karakter para makipag-sex. Pagdating sa bahay ay sex pa din ang inaatupag. Okay sana yung paksa nila tungkol sa marriage pero kulang sa laman ang usapan. Sa sex pa rin nauuwi ang lahat.


Seryoso umarte si Andrew Gan. Pero lahat ng mga kasama niya ay hindi seryoso umarte at mukhang nakikipaglokohan lang. Siya tuloy ang naging party pooper sa ensemble.


Feeling bata si Kurt Kendrick. Sinisikap ni Emelyn Cruz na maging sosyalera. Hindi marunong umarte si Manang Medina, at pasok naman ito sa branding ng AQ Prime. Magaling gumawa ng paraan si Atty. Aldwin Alegre para umangat siya sa kanyang nag-iisang eksena. Nakaaliw si Joni McNab. Panalo ang mga quotable lines niya.


Lahat sila ay mahilig mag-English kahit hindi ito convincing. Parang book reading ang kinalabasan. Imbes na mainis ka, matatawa ka na lang.


Marumi ang audio. Nag-iiba ang quality sa bawat eksena. Merong eksena na kaliwang tenga lang ang may laman tapos wala na sa kanan. Ang mga kantang pinapatugtog ay pang-kulto, horror at clubbing.


AQ Prime is the prime definition of consistent poor quality content, substituting stories with foreplay and softporn.


AQ Prime ang Taong Grasang patuloy na dumudungis sa industriyang ito.


TAONG GRASA Rating: -2/5

Cast: Joni McNab, Andrew Gan, Kurt Kendrick, Manang Medina, Emelyn Cruz Special Participation of the CEO: Atty. Aldwin Alegre Presented by: AQ Prime Date Released: July 30, 2023 via AQ Prime A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page