top of page

TAYO LANG ANG NAKAKAALAM

  • 1 day ago
  • 2 min read

Tayo Lang Ang Nakakaalam (Cinemalaya 2026)

Directed by: David Corpuz

 

Hindi madaling panoorin ang pelikulang ito. Dadaan ka sa matinding hirap at pagsubok. Masasagad ang pasensya mo.


Gusto mong kaawaan ang mga karakter, ngunit minsan ay maiinis ka rin sa kanila. May mga desisyon sila na hindi ka sigurado kung ikatutuwa mo ba. Nais mo silang sumbatan at sigawan.


Buong magdamag, nangingibabaw ang kalungkutan. Mahusay ang mga aktor. Unti-unti kang nalulunod sa kanilang pinagdaraanan. Patong-patong na ang sakit. Ang sarap huminto at sumuko.


Ngunit patuloy lang sa paglalakad.

Hindi ka iiwanan ng pelikulang ito hanggang dulo.

 

 

Ang sakit na nadarama ay ginawa nilang armas upang bumangon. Ang kahinaan noon ay naging kapangyarihan ngayon. Kung gaano kahirap ang naranasan, doble ang tamis nang ito’y nalagpasan.


Bawat hakbang, maliit man o malaki, ay nakakatulong upang harapin ang kinabukasan. Mabagal man ang paglalakbay, nakarating sila sa dapat nilang kalagyan.


Ang pelikulang ito ay isang testamento sa kung gaano na kalayo ang ating narating pagdating sa pakikipaglaban. Malayo na ang narating, ngunit malayo pa rin ang tatahakin.

 

Babalik ang mga karanasan ng kahapon kung kailan wala pa tayong nalalaman. Papunta ngayon kung saan meron na tayong laban. Nakaka-proud. Masarap pumalakpak.


𝘛𝘢𝘺𝘰 𝘓𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘯𝘨 𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮 carries a powerful message that deserves to be known by everyone. Spread the good news.


Nararapat lang ipagkalat ang kagandahan ng pelikulang ito. Dapat lahat ay makaalam. Hindi pwedeng tayo tayo lang.


𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐊𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌

Cast: Martin del Rosario, Miguel Odron, Yayo Aguila, Epy Quizon, Madeleine Nicolas, Nour Hooshmand, Bodjie Pascua, Bong Cabrera, Adrian Lindayag

Written by: Iar Arondaing, David R. Corpuz

Release Date: August 6-18, 2026 for Cinemalaya

A Movie Review by: Goldwin Reviews

 


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page