top of page

TAYO SA WAKAS

  • May 26
  • 4 min read

Updated: May 26

Tayo sa Wakas (2026)

Directed by: Cathy Garcia-Sampana


Upang makarating sa wakas,

balikan natin ang simula.


Kapag ang isang bagay ay malapit nang matapos, kadalasan ay binabalikan natin ang mga ala-ala ng kahapon. Kahit masalimuot, kailangang gawin upang maintindihan kung bakit umabot tayo sa wakas.


Binalikan ng pelikula ang buhay na meron ang mga karakter at ang kanilang mga pinagdaanan. Nagsimula ito ng magaan. Nagtapos sa mabigat na pakiramdam.


Mahaba ang naging biyahe. Halo-halo ang mga nangyayari. Maraming stop overs. Hindi ka pa makasakay dahil bigla rin itong aandar papalayo. Matagal bago ka makalapit. Ngunit maghintay ka lamang. Makakasakay ka rin, at makakarating sa paroroonan.


Nang nakalapag na sila sa kanilang destinasyon,

dun makikita ang lalim ng kanilang relasyon.


Dahil buong magdamag silang naglalakbay, randam ang epekto nung sila ay huminto. When they stopped chasing, that’s when it becomes moving. You get to pause, look back on their journey, and think about the future.


Marami na pala silang naipon na mga ala-ala. Kapag pinagsama-sama lahat, randam ang bigat na dala nito. Kapag binalikan, maluluha ka nang tuluyan.

Nandiyan pa rin ang magic ni Direk Cathy Garcia-Sampana. Akala mo wala na, pero meron pa pala. Epektibo pa rin ang kanyang mga formula. Hindi mo namalayan, nahulog ka na pala.


Mapapansin na ang location ay kadalasang nasa kwarto lamang, sa kotse, o halatang nasa loob ng ABS-CBN. Bagamat kapos sa production design, bumabawi sila sa execution at dialogues. Taimtim ang musical scoring. Bagay ang ginamit nilang kanta sa dulo.


Hindi na bago ang mga isyung tinalakay, ngunit mabuting masaksihan ito ng mga kabataan ngayon — mula sa usaping pagmamahalan, kung hanggang saan dapat ang hangganan, at kung kailan dapat lumalaban. Kahit saglit lang, maganda rin na nadaplisan nila ang kalagayan ng ating bansa.


Habang pinapanood ang pelikula, maaaring sumagi sa isip mo ang 𝘛𝘩𝘦 𝘏𝘰𝘸𝘴 𝘰𝘧 𝘜𝘴 at 𝘕𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘕𝘰𝘵 𝘓𝘰𝘷𝘦 𝘠𝘰𝘶. Ngunit sa kalaunan, nag-iba ang takbo ng istorya at nagkaroon din ito ng sariling pagkakakilanlan. Mukha lang mabilis mahulaan ang plottwist, pero hindi pa rin pala.

Maraming supporting cast na hindi masyadong nagagamit. Gayunpaman, nakakatuwa ang kanilang naging presensya.


May kakayahan si Joross Gamboa na sumingit sa kahit anong usapan at bigyan niya ito ng katatawanan nang hindi nakakailang pakinggan.


Kapag kailangan ng bestfriend sa pelikula, pasok sa banga sina Miah Canton at Jude Hinumdum. Sila na The New Generation BFFs. Ang kanilang facial expressions at energy ay nakakadagdag ng kilig at saya sa mga eksena.


Epy Quizon speaks his lines with control and clarity, emphasizing the right words and conveying the important lessons.


Donny Pangilinan’s dramatic scenes are decent, though they could still carry more depth and weight. He’s more convincing when he’s giving off the bad-boy energy.


At first, some of his movements feel superficial and calculated. There’s a noticeable unnatural effort in the way he carries the tough and bossy persona.


But over time, his portrayal becomes effectively irritating. Whenever he’s on screen, it’s hard to ignore the character’s arrogance and immaturity, which work well for the scenes. The bald hairstyle suits him.


Belle Mariano’s portrayal initially appears somewhat surreal and over-the-top, but as the movie progresses, that kind of approach becomes fitting to what’s happening.


She has a way of making the scenes feel more dramatic and intense. From her hand movements and line delivery, they come across effectively. Her emotions remain intact, and she brings them out easily when needed.


Both of their wigs look off. But regardless of their appearance, they still manage to pull through.

Although the sexy and more mature scenes aren’t their strongest suit, the camera work and framing help enhance the steamy moments.


Nang nagkatapat ang kanilang mga labi, parang nahihigop na nila ang hininga ng isa’t isa. May nerbiyos, lambot at lagkit dahil sobra na silang magkalapit.


Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa, aakalain mong hindi na sila aabot sa hiwalayan. Ngunit nandito tayo ngayon sa punto na kailangan natin harapin ang katapusan.


Ang confrontation scene nila ay mapanakit at palaban. Kahit masakit ay patuloy pa ring lumalaban. Umabot ang pagninilay hanggang sa ending. Hindi natatapos ang plottwists. Hihintayin mo talagang matapos ang pelikula para malaman ang kanilang magiging kinahinatnan.


Malinamnam yung mga huling sandali at yung ending. Magandang tribute ito para sa DonBelle loveteam. Randam mong ibinuhos nila ang lahat. Naghahalo ang pelikula at ang totoong buhay.


Lilitaw ang mga katanungan kung hanggang saan at kung hanggang kailan ba ito magtatagal. Kung sakali man na hanggang dito na lang talaga, hindi ibig sabihin na narating na natin ang katapusan. Ang ibig sabihin lang nun ay meron na tayong napuntahan at meron ding babalikan.


From 𝘓𝘰𝘷𝘦 𝘪𝘴 𝘊𝘰𝘭𝘰𝘳 𝘉𝘭𝘪𝘯𝘥 and 𝘈𝘯 𝘐𝘯𝘤𝘰𝘷𝘦𝘯𝘪𝘦𝘯𝘵 𝘓𝘰𝘷𝘦, 𝘛𝘢𝘺𝘰 𝘴𝘢 𝘞𝘢𝘬𝘢𝘴 is undoubtedly the best DonBelle film.


A trip down memory lane, this movie serves as a reflection of DonBelle’s journey and how their loveteam has evolved throughout the years. It starts with the usual romcom vibes, then leaning into more serious phase, showing more maturity, and eventually confronting the deeper drama.


Life has its way of leading us where we’re meant to be. Endings don’t always mean it’s the end. It can be interpreted as a new beginning and a disguised blessing.


Pelikula man o sa totoong buhay, masasabi nating


Magandang wakas ito

para sa panibagong simula.


𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒

Cast: Donny Pangilinan, Belle Mariano, Yayo Aguila, Allan Paule, Epy Quizon, Joross Gamboa, River Joseph, Matthew Mendoza, Emilio Daez, Jude Hinumdum, Miah Canton

Story & Screenplay by: Vanessa R. Valdez

Presented by: ABS-CBN Studios, Star Cinema

Executive Produced by: Carlo L. Katigbak, Kriz G. Gazmen, Donato L. Pangilinan, Belinda A. Mariano

Release Date: May 27, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

What's your rating for TAYO SA WAKAS?

  • 5/5

  • 4/5

  • 3/5

  • 2/5


11 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
May 29
Rated 5 out of 5 stars.

I highly recommend the director and writer to be awarded as well as the casts to be recognized.and Donbelle for FAMAS Award,they deserve well. The movie is absolutely nice,relatable and the two leading actors really undeniable stars.

Edited
Like

Alynna
May 29
Rated 5 out of 5 stars.

Sobrang sulit, ang galing galing ng lahat

Like

Guest
May 27
Rated 5 out of 5 stars.

Worth to watch👍👍👍

Like

Aurora R Rodriguez
May 26
Rated 5 out of 5 stars.

Fantastic reviews Thank you everyonr

Like

Guest
May 26
Rated 5 out of 5 stars.

,sobrang worth it maging blockbuster movie..DONBELLE FOREVER❤🥰🥰

Like
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page