top of page

TAYUAN

Tayuan (Vivamax 2023) Directed by: Topel Lee


Isang babae ang nangmanyak ng konduktor habang tayuan sa bus. Maliban sa pagiging manyak, stalker at homewrecker din si ate mong bida.


Masyadong maamo ang mukha ni Angeli Khang para bumagay sa kanya ang napaka-degrading at masamang role na ito. Okay si Angeli Khang pagdating sa mga seryosong usapan, pero hindi bagay sa kanya kung kailangan nang maging kwela at makipaglandian.


Okay si Chester Grecia kapag normal na mga eksena lang, pero kapag kailangan na niyang magalit, halos wala siyang mailabas na emosyon. Nangangapa rin siya sa mga lampungan. Hindi marunong umarte si Stephanie Raz. Si Francine Garcia lang ang disente umarte mula simula hanggang dulo.


Maayos ang mga kuha. Maganda ang hitsura ng pelikula. May hugot ang mga linya. Pero ang panget ang istorya. Hindi rin maganda ang paraan ng pagkwento nila sa panget nilang istorya.

Pinahabang harutan at kataksilan lamang siya.


The story is written so that the actors can have sex in public with thrill and excitement. Then they try to insert dramatic lines here and there to compensate for the lack of story.


Naging props ang bus. Naging costume ang uniporme ng konduktor. Imbes na pag-usapan ang transportasyon sa Pinas na madalas ay tayuan, binaboy nila ito.


Ginawa nilang babuyan ang bus na tayuan.


TAYUAN

Rating: 0/5 Cast: Angeli Khang, Francine Garcia, Stephanie Raz, Rash Flores, Chester Grecia Presented by: 2 inches of Loneliness, Inc. Date Released: June 23, 2023 via Vivamax A Movie Review by: Goldwin Reviews

コメント

5つ星のうち0と評価されています。
まだ評価がありません

評価を追加
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page