top of page

THANKS FOR THE BROKEN HEART

Thanks For The Broken Heart (TMFF 2023) Directed by: Cess Cruz ๐˜ง๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜›๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜บ ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜”๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ช


Isang pambabastos na naman sa mga manunuod ang nakalusot sa sinehan.


Unang mga eksena pa lang ay nakakapangloko na. Sobrang labo. Ampanget ng mga kuha. Napaka-habang PSA for Climate Change with matching PowerPoint notes na lumalabas on screen. Pekeng usok sa paligid. May naglandian na doctor at reporter. May emoji hearts na lumilipad kung saan saan. Tapos naging concert repertoire na pala ni Lance Raymundo.


Compilation ito ng Music Videos with mega-pixelated landian moments featuring the songs of Lance Raymundo. Kahit hindi tugma sa mga nangyayari, basta maipasok lang ang kanta niya ay sapat na. May ilang kanta na binubuo pa. Whole song kung whole song. Yung iba ay naka-loop pa nga.


Hindi ka maliligaw kung nasaan sila dahil sila lang ang may subtitles na โ€œSHAKEYโ€™S MALATEโ€. Hindi ka rin malilito sa timeline dahil may subtitles na โ€œTHAT NIGHT AT DANIELโ€™S CONDOโ€. Sasabihin talaga nila kung nasaan sila at kung ilang araw o buwan na ang nakalipas. Nag-iiba-iba rin ang kanilang font types at sizes.


Sobrang wala sa katinuan ang paglagay nila ng reaction emoji sa mga eksena. May nagagalit na tao tapos biglang may lilitaw na wow emoji sa tabi ng mukha nila. May nagdradrama tapos may lalabas na sad react sa tabi. Emoji Movie ang naging peg nila sa buhay.


Abangan ang mga huling sandali. Another full-blown Music Video with matching lyrics this time. Another PowerPoint presentation with stock videos. Umabot ang kanilang timeline nang maraming taon. May pa-sigaw-sigaw pa si ate ng movie title sa karagatan. Matapos nilang magkwento nang napaka-tagal, sa isang iglap lang ay nagbago agad ang isip niya. Taliwas sa kakasabi lang niya. Mapapa-what-the-heck ka talaga.


Garapal sa kagag*han. Nakakainis sa kapangitan. Mapapa-mura ka sa karantaduhan.


Kung sino man ang mastermind ng pelikulang itoโ€ฆ salamat sa patuloy na pagsira sa Pelikulang Pilipino.


Thanks For This Broken Film.


THANKS FOR THE BROKEN HEART Rating: โˆš-โˆž/5

WATCH THE OFFICIAL TRAILER HERE: https://fb.watch/laikS3guGd/?mibextid=cr9u03

Cast: Lance Raymundo, Gerlaine Silva, Mary Sharapova, Oliver Lacson Musical Director: Lance Raymundo Associate Director: Karlo Conge Montero Genre: Unidentified, Trash Presented by: KSMBPI Film Division, Amapola Broadcasting System, The Manila Film Festival Release Date: June 16, 2023 in SM Manila Cinema A Movie Review by: Goldwin Reviews


This is an official entry to The Manila Film Festival 2023. The grand premiere night will happen on June 15, 2023, with regular showing dates from June 16 to 24 at the SM Manila Cinema in celebration of the Araw ng Maynila. Just a disclaimer that all films are made by students, and thereโ€™s always room for improvement.

0 comments
bottom of page