THE ART OF BREAKING UP
Pang-arena ang set up ng kanilang stage kung saan bawat anggulo ay may audience na nakaupo. Hindi siya bagay para sa palabas na ito.
Importanteng makita ang mukha ng mga aktor sa bawat segundo dahil parating nasa climax ang mga eksena. Ngunit malikot silang tingnan. Magulo ang blocking. Maraming pagkakataon na nakatalikod sila sa paningin mo kahit nakaharap sila sa ibang tao. Hindi ito patas para sa lahat ng manonood.
Minsan, umiikot ang stage in circular motion. Sa unang ikot, meron siyang dating. Hanggang sa nagmukha na siyang circus act. Maganda sana ang sinisimbolo nitong endless cycle tungkol sa pagmamahal na parating may saya at lungkot na nadarama. Ngunit hindi swabe kung paano umikot ang mga eksena.
Maraming baon na istorya ang palabas na ito. Magkakaiba sa unang tingin, ngunit magkakatulad at magkakadugtong din. Marahil kapag binasa ang kwento at pinakinggan ang linya, maganda ang pagkakasulat. Ngunit nang binigyang buhay sa entablado, napuputol ang mga emosyon kada lipat ng mga eksena. Alanganin ang mga transition.
Naging variety show ang atake. May singers na kumakanta sa tabi, tapos may reenactment sa gitna. Nahahati ang atensyon sa eksena at sa kantahan.
Hindi maganda yung microphone ng mga singers. Parang nagsasalita lang tuloy sila salita kahit na sila’y kumakanta.
Pabigla-bigla ang pasok ng mga kanta. Mabilisan lang ang mga naging awitin kaya wala ring pagkakataon na ito’y namnamin.
Nakaka-distract yung mga tao na kumukuha o nag-aayos ng mga props dahil kitang-kita sila habang may nangyayaring eksena. Hindi masyadong nagamit ang mga ilaw para bigyan ng spotlight ang mga karakter.
Minsan, umaalay ang sounds para mas bigyang diin ang mga emosyon. Masaya kapag may nahuhulog sa itaas na kung anu-anong bagay.
Hindi pantay-pantay ang aktingan na naganap. May umaangat at merong halos walang naibibigay.
It’s a great pleasure to witness Nikki Valdez perform on stage. No matter the size of the venue, her presence and emotions fill the room. Kahit wala kang alam sa backstory, kaya niya itong ikuwento sa pamamagitan ng kanyang kilos, mukha, at pananalita. Nagkakaroon ng timbang ang sitwasyon. Nabibigyang-diin ang sakit.
Meann Espinosa is a theatrical chameleon, running wild and free on stage. Her every transformation deserves a show of its own. The moment she walks up there, all eyes are on her. Wala siyang karakter na hindi kayang magampanan.
It’s always a yes when Yesh Burce delivers a line. She can make everyone laugh even without cracking a joke. The joyful character comes so naturally to her that every expression and movement is effortless and effective.
Walang emosyon na hindi makikita sa mga mata ni Anna Luna. Bakas sa mukha at tagos sa puso ang pinagdaraanan ng kanyang karakter.
Jude Hinumdum can grab anyone’s attention in a snap with his loud personality. He makes the scenes more engaging and lively.
When you look at Brent Manalo, there seems to be an effort to create facial expressions — instead of letting them come naturally. But he’s getting there. His movements are quite stiff and calculated. He could loosen up a little and let the character take over.
When you listen to the voices of Teroy Guzman and Rosalyn Perez, they sound fine. But as you see them perform, emotions and reactions are still lacking. Both seem uncomfortable on stage.
Masyadong maliit ang mga kilos at reaksyon ni Jameson Blake. Maayos sigurong tingnan kapag nasa screen, ngunit pagdating sa entablado, hindi ito nabibigyan ng pansin. Mabilis din siyang magsalita. Hindi nabibigyang-diin ang mga mahahalagang linya.
Jel Tarun and Dingdong Bahan seem to take their roles lightly, even when the lines call for seriousness.
Kapag nagsasalita si Analain Salvador, tunog inaral siya kesa sa natural. Blanko ang kanyang mga emosyon. Parang kinakain minsan ni Yen Santos ang kanyang sinasabi. Pang-sitcom ang atake ng kanyang naging pagganap kaya ang hirap seryosohin kahit mabigat na sana ang eksena.
These comments refer to the November 5 media preview featuring the following actors: Nikki Valdez, Meann Espinosa, Yesh Burce, Anna Luna, Jude Hinumdum, Jameson Blake, Brent Manalo, Teroy Guzman, Rosalyn Perez, Jel Tarun, Dingdong Bahan, Yen Santos, and Analain Salvador. The singers are Benedix Ramos and Kolette Madelo.
Sa nangyaring mix and match ng mga actors, kadalasan ay hindi swak ang tambalan. Kung ano ang galing ng ipinakita ng isa ay siyang nahihila pababa ng kabila.
Paiba-iba ang timpla ng mga eksena. Mas nangingibabaw ang tawa kaysa sa lungkot. Ang off sa pakiramdam na biglang may magpapaiyak tapos biglang may magpapatawa. Hindi nagkaroon ng magandang mix of emotions. Mukha lang siyang random mood swings.
Because of the incohesive direction, the different scenes become more scattered. Instead of coming together, they break up.
This play comes across as a theater recital for the neophytes. As for the veterans, they are able to showcase the art of acting by expressing the joys of loving and pains of breaking up.
If you’re a fan of any of these actors and want to see them perform live, it could be worth the experience. But remember, the ticket costs around ₱2,500. So manage your expectations, because your wallet might be the one breaking up.


Comments