top of page

THE BASEBALL PLAYER

The Baseball Player (Cinemalaya 2022)

Directed by: Carlo Obispo


A teenager has to choose between his dream of being a baseball player, or his duty of saving his family.


What will he choose?


The dilemma is excruciating.


Tahimik lang ang pelikula. Wala humahagulgol sa iyakan. Hindi ibabalandra ang masalimuot na mga eksena. Gayunpaman, ramdam mo pa rin ang hirap ng bidang karakter sa pag-pili.


Sa katahimikan nito ay nag-iingay sa isip mo kung ano ba talaga ang mas mahalaga.


Laking tulong ng musical scoring upang maihatid ang mga emosyon. Malinis ang mga shots ng pelikula. Pinag-isipan ang pagkuha rito.


Magaling ang pagkaka-edit. Nailapat nang maayos ang tunog ng dahas at ng pangarap.


Ngunit hindi sapat ang ibinahaging oras upang mahumaling ka sa kanyang pangarap. Kulang pa sa paghampas ng Baseball, para madala ka sa saya na dulot nito.


Kulang pa sa tensyon para mahalin mo ang kanyang pamilya. Hindi buo ang usapan ng mag-ina, ng tito at ng magkapatid. Nalalaktawan ang maganda sanang diskurso, upang mas madala ka sa mga nangyayari sa kanila.


The scenes leading to the ending are the most intensifying. It has a shock value that breaks the film’s peace and quiet. The last few seconds will either haunt you or leave you hanging.


Mula sa katahimikan ay bigla kang ma-iingayan.

Hahampas sa’yo ang katotohanan.


Ang pangarap ba ay dapat panindigan?


The dilemma is excruciating.


THE BASEBALL PLAYER

⭐️⭐️⭐️


Cast: Tommy Alejandrino, JM San Jose

Presented by: Rough Road Productions

Date Released: August 6, 2022 on CCP

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

تعليقات

تم التقييم بـ ٠ من أصل 5 نجوم.
لا توجد تقييمات حتى الآن

إضافة تقييم
bottom of page