top of page

THE BLOOD BROTHERS

The Blood Brothers (2024)

Directed by: Cesar Montano


Bilang isang manunuod, nakaka-insultong makita ang “Please put night ambient sound” na lumabas sa big screen. Dahil sa laki ng mga letrang ito, natakpan na ang mukha ng aktor.


Tila ito’y isang instruction para sa post production.

Ngunit nakarating sa ating mga manunuod.


Ganito na ba ang style ngayon?

Imagine imagine na lang?


Mali mali din ang spelling sa subtitles. May mababasa kang “Chekpoint, Strenght, Enought”. Sobrang importante ng subtitles para sa pelikulang ito dahil ang mga linyang sinasabi nila ay hindi Tagalog at hindi English. Kailangan mo talagang basahin ang nakasulat sa ibaba, tapos makikita mong wrong spelling pala ang ilan sa mga salita.


Andaming barilan, pero halatang peke ang pagputok ng mga bala at pagtalsik ng mga dugo. 

Nakakawalang ganang manuod dahil hindi mukhang seryoso ang production. Biglang lumalabo ang mga eksena. Hindi pang-big screen ang quality ng mga nakikita mo.


Dinaan sa narration at monologue ang pagpapakilala sa mga karakter. Derecho agad sa gulo at problema ang mga eksena. Hindi mo ramdam ang bigat ng kanilang pinag-aawayan dahil mo sila masyadong nakilala.


Sa kahit anong away, parating to the rescue si Dr. Ronald Adamat. Puro kabutihan ang kanyang ipinapakita. Samantalang lahat sa paligid niya ay may ginawang masama. History movie raw ito para sa mga indigenous people, pero mas history siya ng kabaitan ni Dr. Ronald Adamat.


Paglabas mong sinehan… Imbes na 𝘛𝘩𝘦 𝘉𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘉𝘳𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴 ang maalala mo, si Dr. Ronald Adamat lang ang tanging karakter na matatandaan mo.


Misleading ang movie title. Peke ang mga dugo at baril. Wrong spelling ang subtitles. May instruction na “𝘗𝘭𝘦𝘢𝘴𝘦 𝘱𝘶𝘵 𝘯𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘢𝘮𝘣𝘪𝘦𝘯𝘵 𝘴𝘰𝘶𝘯𝘥” na nakalagay sa eksena. Hindi pang sine ang mga kuha. Ampanget ng pagkakakwento. Kahit mas mura ang ticket price para sa pelikulang ito, hindi mo pa rin ito ikakatuwa.


Nakaka-high blood ang 𝘛𝘩𝘦 𝘉𝘭𝘰𝘰𝘥 𝘉𝘳𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴.


THE BLOOD BROTHERS

Rating: -1/5


Cast: Cesar Montano, Victor Neri, Alan Paule, Alex Medina, Jeffrey Quizon, Ronald Adamat, Elora Españo, Archi Adamos, Lou Veloso, Raul Morit

Based on the book by Ronald Adamat with the same title

Written by: Roy C. Iglesias

Presented by: Innovative Digital Entertainment Arts and Empowerment Film Productions

Release Date: May 8, 2024 in SM Cinemas nationwide


Storytelling:  -2

Emotions:  -1

Screenplay:  -2

Technical:  -1.5

Message:  0


AVERAGE SCORE

The Blood Brothers:  -1.3

0 comments

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
bottom of page