top of page

THE BUY BUST QUEEN

The Buy Bust Queen (2024)

Directed by: JR Olinares


Saang pelikula ka nakakita

na ang unang pangalan na inilabas

ay yung special appearance?


Duon pa lang. Alam mo nang hindi si Phoebe Walker ang reyna rito. Hindi man lang nakwento ang buhay ng kanyang karakter. Sinisingit singit lang siya. Mas nagkaroon pa ng backstory ang minor character.


Ang pagsasanay para maging isang ganap na PDEA officer ay ipinagsisikan sa isang montage. Sayang ang mga rituals at trainings nila dahil mabilis lang itong dumaan. Hindi ramdam ang paghihirap.


Sunod sunod ang kanilang naging buy-bust operations, tapos puro successful lahat yun. Walang plano at walang preparation na nangyayari. Derecho agad sa barilan at patayan.


Umaalog-alog ang kamera. Walang focus ang mga kuha. Paiba-iba ang kulay. Ang labo ng mga drone shots. Paulit ulit pa yung iba.


Ginawang chismisan at landian place ang PDEA office. Busy daw sila pero hindi yun ang ipinapakita nila. Hindi sila mukhang seryoso. Mukhang comedian ang kalaban. Mabilis mauto ang bida. Merong karakter na biglang na-promote nang walang nakaka-alam. Meron ding karakter na biglang nawala tapos hindi na hinanap pagkatapos.


May ilang eksena na panay pagmumura at pagsisigaw na lang ang ginawa ni Christian Vasquez habang minamasahe siya ng mga pabebe girls. Si Ervic Vijandre naman ay hindi nagpahuli at bumulong-bulong lang sa hina ng boses.


Part ng cast sina Alex Medina, Ping Medina, at Maxine Medina. Merong eksena na nagharap-harap silang tatlo.


Ang spiderman trio moment nina

Maxine Medina vs Alex Medina vs Ping Medina

ang pinaka-malaking pasabog ng pelikula.


Sabog na sabog ang kwento.

Hindi bagay ang pamagat na Buy Bust Queen

dahil ito'y isang Joker.


THE BUY BUST QUEEN

Rating: -1/5


Cast: Phoebe Walker, Ritz Azul, Maxine Medina, Ellaine Ochoa, Cheng Alessa, Ameera Johara, Ayeesha Cevantes, Ervic Vijandre, Christian Vazquez, Jeric Raval, Alex Medina, Jeffrey Santos, Dindo Arroyo, Ping Medina, Ricardo Cepeda, with the special participation of former PDEA Director Gen. Wilkins Villanueva (as himself)

Written by: Lawrence Nicodemus

Presented by: PinoyFlix Films and Entertainment Production in cooperation with Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Release Date: February 28, 2024 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  -1

Emotions:  -1

Screenplay:  -1

Technical:  -0.6

Message:  0


AVERAGE SCORE

The Buy Bust Queen:  -0.72

0 comments

ความคิดเห็น

ได้รับ 0 เต็ม 5 ดาว
ยังไม่มีการให้คะแนน

ให้คะแนน
bottom of page