top of page

THE FISHER

1 hour ago
2 min read

The Fisher (2023 / 2026)

Directed by: Paul Soriano


Ang karakter ni Mon Confiado ay si Pedro, isang mangingisda na galit sa estranghero at sa dynamite fishing. Ang karakter ni Enchong Dee ay si Hai, isang dayuhan na hindi marunong magsalita pero kumakanta na parang intsik. Away-bati sila sa pelikula.


Maaaring maihalintulad ang kanilang relasyon sa lumalalang hidwaan ng mga Pinoy at Intsik tungkol sa West Philippine Sea.


Hindi balanse ang naging representasyon. Mas maganda ang imahe na ibinigay para kay Hai. Kalmado lang siya at hayahay sa buhay. Mapagbigay at masunurin. Kapag siya ay lumalangoy sa dagat, siya ay payapa.


Samantalang si Pedro ay parating galit. Hindi nakikinig sa sinasabi ng iba. Dinadaan sa dahas ang init ng ulo. Kapag siya ay nangingisda, siya ay gigil at hindi makontento.


Hindi sila nag-uusap. Ngunit biglang nagkaroon ng pagpapatawad at pagkakabati sa pagitan ng dalawa. May shortcut sa kwento. Mabilisan ang naging solusyon. Hindi pinag-uusapan kung ano ang puno’t dulo ng problema at kung paano ito malulutas.



Maliban sa anggulong West Philippine Sea, pinaghalo nila ang kanilang kwento sa isang mitolohiya tungkol sa pagbubuntis sa may karagatan. Dahil dun, hindi mo alam kung alin ang totoo at alin ang gawa-gawa lang.


Hindi nanganganak ng mga magagandang diskusyon. Naging safe at boring tuloy ang kanilang atake. Wala silang naibigay na matapang na pananaw tungkol sa mga nangyayari.



Manipis ang pagkakasulat. Ang mga karakter ay parang hindi tao kung mag-isip at kumilos. Patay ang dynamics ng pamilya.


Si Apollo Abraham ay simpleng manyak lamang. Ubo nang ubo si Mercedes Cabral. Walang muang si Heaven Peralejo. Pala-desisyon si Eula Valdes. Hindi nakikinig sa mga rason.


Hindi matino mag-isip ang mga tao, kaya hirap din silang harapin ang mga sakunang dumarating sa kanila.


Hindi malakas ang boses na pinanghahawakan — kung kaya’t puro mood at vibe na lang ang kadalasang naibibigay ng pelikula.


Titingala sa may kalangitan. Maglalakad sa buhangin at magmumuni. Tapos pagdating sa huli, idadaan na lang sa narration para bigyang lalim ang kwento.


There’s an attempt to create haunting visuals by pouring black shadows all over the scenes to represent the immense evil of the situation. It doesn’t work, as the characters are one-dimensional, the story is thin, and the direction is flat.


In the end, the glow, the light, and the colors are refreshing to see because the rest of the movie is literally dark.


Kasinglawak ng karagatan ang mga paksang sinubukan sisirian ng 𝘛𝘩𝘦 𝘍𝘪𝘴𝘩𝘦𝘳, ngunit wala ito gaanong nabingwit na laman. Naitago na lang sa dilim kung ano ang kanilang ipinaglalaban.



𝐓𝐇𝐄 𝐅𝐈𝐒𝐇𝐄𝐑

Cast: Mon Confiado, Enchong Dee, Mercedes Cabral, Heaven Peralejo, Eula Valdes, Tommy Alejandrino

Screenplay by: Paul Soriano, Anton Santamaria

Presented by: TEN17P, Black Cap Pictures

Release Date: October 26, 2023 at the 36th Tokyo International Film Festival; October 21, 2026 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page