top of page

THE HEART OF MUSIC

Updated: 3 days ago

The Heart of Music (2025)

Directed by: Paolo Bertola

ree

Alam niyo ba yung 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘰𝘶𝘯𝘥 𝘰𝘧 𝘔𝘶𝘴𝘪𝘤 noon?

Pwes, may lumalaban na pelikula ngayon.


Kung 𝘋𝘰-𝘙𝘦-𝘔𝘪 ang signature song doon,

dito naman ay 𝘖𝘯𝘦 𝘋𝘢𝘺 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘈𝘳𝘢𝘸.


Tulad ng kanilang awitin, lumilipas ang oras sa pelikula nang hindi mo namamalayan. Ang isang araw ay gabi na pala.


Magpapakita lang ang mga karakter kung kelan nila gusto. Biglang magkakaroon ng problema ang bawat isa. Tapos malulutas din sa isang iglap. Walang kwenta ang mga kalaban. Ambilis bumigay.

Ampanget ng visuals. Naka-green screen yung ibang eksena. Pang-Tom & Jerry ang scoring. Basta-bastang pinapatugtog at pinuputol ang mga awitin. Alanganin kumanta yung iba. Hindi masarap pakinggan.


Nakakahiya kina Robert Seña at Isay Alvarez. Todo-bigay sila, pero hindi nabibigyan ng hustisya ng produksyon yung galing nila.


Napipilitan sumayaw yung ibang cast. Kulang sa bitamina. Mapa-song o dance number, kulang sa expression ang mga mukha nila.


Hindi ramdam na iisang pamilya lang sila. Pinagtabi-tabi silang lahat. Pinagsiksikan sa iisang van. Pero walang nabubuong samahan. Watak watak ang mga eksena.


Wala kang maaasahan sa direksyon. Labo-labo ang script. Low quality ang produksyon. Nakakaawang tingnan ang mga cast.


Nakakawalang gana ang pelikulang ito.

Hindi nakakataba ng heart pag pinanuod.

Hindi nakakatuwa ang music pag pinakinggan.


𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐌𝐔𝐒𝐈𝐂

Cast: Gladys Reyes, Robert Sena, Isay Alvarez, Angel Guardian, Jon Lucas, Elijah Alejo, Sean Lucas

Introducing: Jennie Gabriel

Special Participation of: Rey PJ Abellana, Marissa Sanchez, Jopay Aguila, Joshua Zamora

Written by: Mario Gatdula Alaman

Presented by: Cube Studios, Utmost Creatives Motion Pictures

Release Date: December 10, 2025 in Philippine cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page