top of page

THE REVELATION

The Revelation (2023) Directed by: Ray An Dulay


Dalawang Abrenica ang nagsama sa iisang pelikula. Ano ang ating mapapala?


Minsan, hindi mo na alam kung sino ba ang nasa eksena dahil parehas sila nang kilos. Parehas din silang nagpakita ng abs. Ngunit hindi yun ang rebelasyon sa pelikulang ito.


Ang rebelasyon ay tungkol sa mga karakter nila. May sikreto ang isa sa kanila. Nakakaasar kung paano ito nabunyag. Walang dating. Hindi pinag-isipan.


May istoryang ipinakita, pero panget ang pagkakagawa. Tungkol sa FBI agent at serial killer na parehong hindi nag-iisip sa mga susunod nilang hakbang. Lahat sila ay hindi kapani-paniwala. Ginagawa nilang tanga ang manunuod. Hindi sila nakakatuwa.


Kakarampot lang ang ipinapakita nilang pangyayari. Karamihan pa dun ay pwedeng tanggalin dahil pampahaba lang. Ang mga matitirang eksena ay hindi sapat para maging isang pelikula. Kulang kulang sila. Very chop chop na walang laman. Nagpakita rin sila ng isyu tungkol sa mental health, pero hindi nabigyan ng hustisya.


Hindi maganda ang pagkaka-edit. Halos wala ka na ngang mapanuod… Tinadtad pa ng fade-to-black effects kada ilang minuto o segundo. Minsan, halos itim na lang din ang nakikita mo.


Saan nila kinukuha ang lakas ng luob para maglabas ng pelikula sa sinehan kahit alam nilang panget ito?


Kumpiyansa Reveal naman diyan!


THE REVELATION

Rating: -1/5

Cast: Vin Abrenica, Aljur Abrenica, Jelai Andres, Ana Jalandoni Presented by: Hand Held Entertainment Production Date Released: June 21, 2023 in Philippine Cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page