top of page

THE SHIP SHOW

The Ship Show (2023) Directed by: Jason Paul Laxamana


6 girls and 6 boys join a reality show to be the next big loveteam in the Philippines.


The biggest challenge in this movie is not the reality show but the acting of the ensemble. Most of them can’t act. It’s hard to watch a group of people who exchange lines with no emotions. Among the contestants, Heaven Peralejo, Tomas Rodriguez, and Rabin Angeles are probably the tolerable ones.


Marnie Lapus and Andrea Del Rosario also did good in mocking their characters. They are funny in their own ways especially when you know who they are immitating in real life.


12 ang mga kalahok. Bawat isa sa kanila ay may kwento. Dahil andami nila, mabilis na dumaraan ang pagpapakilala sa kanila. Hindi nagkakaroon ng pokus sa kahit sino sa kanila. Nag-uumpisa pa lang, tapos lipat na sa iba. May biglang lilitaw na problema, tapos kailangan malutas na rin ito agad.


Pati ang relasyon nila Marco Gallo at Heaven Peralejo ay hindi gaanong natututukan. Kulang pa sa mga usapan upang mas makilala nila ang isa’t isa. Sila na lang gumagawa ng paraan para magpa-kilig.


Nakakalunglot tingnan ang kulay ng pelikula. Hindi nakaka-in-love ang mga kuha. Matamlay din ang karamihan sa mga eksena kaya ramdam na ramdam mo ang sobrang kahabaan ng pelikula.


Ang maganda rito ay kung paano nila paglaruan ang mga karakter para lang maging patok sa manunuod. Marami silang ginagawa sa pelikula na mapapa-isip ka dahil maihahalintulad mo ito sa nangyayari sa industriya natin ngayon. Sa huli, naipakita naman nila kung anong klaseng relasyon ang nararapat i-ship.


Sapat na ba ang mga nabanggit para i-ship mo ang pelikulang ito at pagkagastusan sa sinehan?


THE SHIP SHOW

⭐️⭐️ Cast: Heaven Peralejo, Marco Gallo, Tomas Rodriguez, Ashtine Olviga, PJ Rosario, Angelic Guzman, Migo Valid, Janine Teñoso, Martin Luigie Venegas, Madeleine Red, Rabin Angeles, Bianca Santos, Nicco Manalo, Rafa Siguion-Reyna, Marnie Lapus, Andrea Del Rosario Presented by: Viva Films Date Released: August 9, 2023 in Philippine Cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page