top of page

THIRD WORLD ROMANCE

Third World Romance (Cinemalaya 2023 Closing Film) Directed by: Dwein Baltazar


Alvin and Bree are poor couple trying to be happy in a third world country.


Charlie Dizon is the film’s strongest suit. There’s always a satisfying emotional release whenever she talks. Bawat buka ng bibig niya, nailalabas niya ang mga hinanaing niya. Nakakahawa ang kanyang katapangan.


Ipinamumukha nila na mahirap sila dahil madalas nila itong sabihin. Pupunta sa kainan para kaawaan ang sarili. Papasok sila sa trabaho hindi para magtrabaho muna kundi para umangal. Imbes na dalhin ka muna sa mundong iyon ng paghihirap nila, ibinabanggit na lang agad ang mga hinanaing.


Andaming pilit na pangyayari para lang magkaroon ng kilig moments. Kailangan nilang lagyan ng ganitong pagsubok para may rason para magpa-kilig pagkatapos nun.


Hindi mo gaanong naranasan ang hirap. Mas nangingibabaw ang kilig.


May ilang karakter at pamilya na maganda ang pagkakarepresenta. Nagkakaroon ng mga rason para hanapan ng kabutihan ang mundong puno ng kalupitan.


The subject about third world problems is mostly part of a quotable line and not further tackled. The poor vs rich and the boss vs employee are automatically the main conflicts; not people vs the third world. The last few scenes are filled with over-the-top cheesy moments, not fully representing real-life scenarios.


The movie is more on the Romance, not on the Third World.


Maganda ang hangarin ng pelikula na subukang pagaanin ang bigat ng dinadala mo dahil may kasama kang magbuhat nito. Madalas, wala nang oras para magdrama dahil kailangan pang magtrabaho. Kaya hindi na rin masama na hanapan ng kilig ang bawat sitwasyon.


Hindi masamang mag-break saglit para tumawa at kiligin.


THIRD WORLD ROMANCE

⭐️⭐️ Cast: Charlie Dizon, Carlo Aquino Presented by: Black Sheep, ANIMA Studios, Cinemalaya 2023 Date Released: August 12, 2023 in PICC; August 16, 2023 in Philippine Cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments
bottom of page