top of page

TIRIK

  • 3 days ago
  • 1 min read

Tirik / To Set Upright (Cinemalaya 2026)

Directed by: May-i Guia Padilla

 

Kapag nasa sasakyan sila, mukhang 3D printer ang mga tao. Ang hirap nilang seryosohin. Parang fantasy comedy ang pinapanood mo.


Dahil alangan silang tingnan, sa mga usapan ka nalang aasa — ngunit pati rito ay pumapalya sila. Parang nagpapatawa sila kapag nagsasalita, pero hindi naman pala. Naghihintay ka ng punchline, pero walang dumarating.

Kakarampot lang ang nakukuha mo sa pinagsasabi nila. Minsan preachy. Minsan corny. Madalas, paulit-ulit lang ang gustong ipahiwatig. Paligoy-ligoy at walang natutumbok.

 

91 minutes lang ang pelikula, pero sobrang tagal sa pakiramdam. Nakakainip panoorin. Pinipilit nilang magkaroon ng stopover para lang mas tumagal pa ang running time. Matagal ring nakababad ang kamera sa ilang shots kahit wala ng nangyayari.


Si Rocco Nacino ang pinaka-reliable na aktor sa palabas na ito. Yung iba ay hindi mo matancha kung ano ba ang gusto nilang gawin at kung nasaang genre ba sila.


Sa hinaba-haba ng biyahe, nakakaligaw kung ano ba talaga ang gusto nitong puntahan. Kaya ang ending… Mapapa-tirik na lang ang mata mo sa pelikula.


𝐓𝐈𝐑𝐈𝐊

Cast: Rocco Nacino, Floyd Tena, Chai Fonacier, Jess Mendoza, Glenn Sevilla Mas, Justin Mclaire, Brian Arda, Hershey Neri, Bor Ocampo, Hope Summer Skye

Written by: May-i Guia Padilla, Charlson Ong

Release Date: August 6-18, 2026 for Cinemalaya

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page