top of page

TOSS COIN

Toss Coin (Short Film 2023)

Directed by: Cathy Garcia-Sampan


Two people randomly meet in Hong Kong.

Will they let the Toss Coin decide their fate?


Tulad ng toss coin, dalawa ang kadalasang reaksyon mo habang pinapanuod ito… ngumiti o kiligin. Sa luob lamang ng 12 minutes, nagawa nilang magpasaya ng damdamin.


Natural ang acting ni KD Estrada rito. Pwedeng mapagkamalan na siya at ang kanyang karakter ay iisa. Maganda rin ang kanyang boses nung kumanta siya sa pelikula.


Magaling si Alexa Ilacad. Bagay na bagay sa kanya ang romcom. Ang kulit ng face niya. Napaka-animated. Ang saya niyang panuorin dahil naibibigay niya ang iba’t ibang reaksyon na kailangan sa bawat eksena.


Sinusundan mo ang kanilang mga karakter na sina Kiko at Pia, ngunit hindi sila ipinakilala nang maayos. Mas masarap sana silang habulin kung ibinahagi sa atin ang kanilang mga hugot sa buhay.


Kaunti lang ang oras para namnamin ang bawat sandali. Kapag gusto mong kiligin, kailangan mong mag-move-on kaagad dahil may kasunod pang eksena o dahil tapos na pala.


Hindi nasulit ang paggamit ng toss coin sa istorya. Hindi gaanong pinaglaruan ang tadhana. Matamlay ang color grading at cinematography kaya hindi ramdam ang magagandang lugar sa Hong Kong.


Kahit maikli ang oras, nakapagbigay pa rin sila ng plottwist at quotable lines na hindi pilit. Nakakadala ang scoring. May recall ang soundtrack. Ang cute ng first moment nilang dalawa. May puwang sa bandang gitna. Nakakabitin na kilig ang huling mga sandali.


Kung ang 𝘛𝘰𝘴𝘴 𝘊𝘰𝘪𝘯 ay isang full-length film, tiyak na mas mahihimay pa ang istorya. Pero sa ngayon, sapat na ang short film na ito para masabing magandang tingnan ang Alexa Ilacad at KD Estrada sa big screen.


Full-length film na kaya ang kasunod?


Hindi na kailangan mag-toss coin

para malaman ang sagot diyan.


TOSS COIN

⭐️⭐️⭐️


Cast: Alexa Ilacad, KD Estrada, River Joseph

Presented by: Star Cinema, CJ ENM Hong Kong LTD, Nickl Entertainment

Date Released: December 11, 2023 via Viu

A Movie Review by: Goldwin Reviews


GUESS THE RATING POLL RESULTS

Poll Duration: December 11, 2023

from 10:30am to 11:30pm

Retaining the live poll below for posterity but the poll ran from 10:30am to 11:30pm of December 11, 2023 only (with result posted above)

Guess the rating for TOSS COIN

  • 5/5

  • 4/5

  • 3/5

  • 2/5


136 comments

136 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Jun 15
Rated 4 out of 5 stars.

Recently passing by to read this review, somehow the rating for this is on point, coming from an average KD enjoyer.


KD's acting indeed improved here.


Thank you for the review! Keep it up.


Like

Guest
Jan 12
Rated 5 out of 5 stars.

Cutest

Like

Guest
Jan 12
Rated 5 out of 5 stars.

crazy visuals, galing ng timing, nakaka inlove ang scoring

Like

Guest
Jan 04
Rated 5 out of 5 stars.

Excellent

Like
Guest
Jan 12
Replying to

Sobrang ganda kaso nakakabitin.. manifesting a full lenght romcom movie pls.

Like

Lyn
Lyn
Dec 28, 2023
Rated 5 out of 5 stars.

I watched it on viu app and they were so cute! the story was well executed in just 12 minutes which was pretty impressive, the magic of Direk Cathy plus the chemisty between alexa and kd is a perfect combination. Hope we can see the whole film in the future.

Like
bottom of page