top of page

TULOG NA MUSICAL

  • 9 minutes ago
  • 2 min read

Bago magsimula ang palabas, meron kang voiceover na maririnig. Parang hindi tao ang nagsasalita. Kahit simpleng words lang ang binibigkas, super slang at tunog robot pakinggan.


Nahahati sa dalawang bahagi ang palabas. Halos walang nangyayari sa first act. Kaunti lang ang nalalaman mo tungkol sa mga karakter. Mahilig sila magpatawa. Minsan, okay lang ito pampalipas-oras. Ngunit nakakapagod din dahil hindi umuusad ang istorya.


Pagdating sa second act, puro explanation ang naganap. Walang build up papunta sa kanilang mga confrontation. Ang haba ng monologue ng bawat isa. Magkakahiwalay sila ng kwento. Hindi napagsama nang maayos ang kanilang magkakaibang karanasan.


Maraming pagkakataon na parang special participation lang si Pokwang. Hindi nasulit ang kanyang kauna-unahang stage performance.


Nakakamangha tingnan ang patay-sindi ng mga ilaw. May nakakakilabot na mood siyang ibinibigay. Ngunit habang nagtatagal, nakakasawa na rin dahil paulit-ulit itong ginagawa. Parating ganun ang naging transition.


Matataas lahat ng energy ng mga aktor.

Wala variation sa acting ng ensemble. Sobrang haba ng game segment. Halos pares-parehas lang din ang mga sagot nila.


Problematic ang ilan sa mga paksa. Na-gaslight ang pag-suicide. Tinawaan ang infidelity. Dinaanan ang violence. Hindi napag-usapan masyado.




Musical ito, pero karamihan sa mga cast ay hindi magaling kumanta. Naglabas ng guitar instrument, pero hindi totoo ang strumming.


Hindi catchy pakinggan ang mga songs. Antagal ng paggitan sa bawat kanta. Hindi swabe kung paano ito ipinapasok. Hindi magandang naitahi ang mga kanta papunta sa kwento. Makakausad ang palabas nang hindi sila kumakanta.

 

 

Sa lahat ng cast, angat ang ganda ng boses ni Rachel Libres at ang pagkulot ng nota ni Primitivo Moscare. May dala ring aliw ang ilan sa mga banat ni Primitivo. Sinsero ang naging pagganap ni Farrah Era. Natural at epektibong nabigyan ng buhay ni Cherry Morena ang role na kanyang ginampanan.


Pwedeng maituring leader ng ensemble si Jeremy Manite dahil kaya niyang alalayan ang mga usapan at ang iba pang mga cast members.


Kahit saglit lang ang kanyang naging participation, nakapag-iwan pa rin ng marka si Pokwang. Nakaka-iyak ang kanyang last monologue. Naipadama niya ang tamis at pait ng buhay.

 

 

May mga linya sila kung saan nailalarawan ang agam-agam tungkol sa kamatayan. May pagsisi at paalala na binabanggit upang pahalagahan ang buhay.


Dahil paulit-ulit nila itong ginagawa, unti-unting nabubuo ang takot at tanong kung nabuhay ka ba nang lubusan. Tila isang bangungot ang hindi magising sa katotohanan na panandalian lang ang lahat.


Sa kabila ng mga bangungot at pagkukulang, patuloy silang nagbibigay ng mga sandali na siyang gigising sa inyong mga damdamin.


Ang pagpapahalaga sa buhay ay hindi nila tinulugan.

 


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2025 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page