UMBAG
- 4 hours ago
- 2 min read
Umbag (2026)
Directed by: John Ad Castillo

Kapag tiningnan mo ang poster nila na maraming dahon at awards, akala mo isang matinong indie film ang mapapanood mo. Pero sobrang hindi. Nakakagulat na showing ito in more than 50 cinemas nationwide.
Boxing match na puro sound effects na lang ang pinapatugtog—para masabing sapul ang mga suntok. Palaging fresh tingnan ang dalawang naglalaban. Mas pagod pa tingnan yung referree. Mas exciting pa panoorin ang mga round girls na naglalakad.
Kapag may nag-aaway, mukha silang mahina at malamya. Walang deserving manalo. Nagbibigayan sila na para bang friends sila. Para silang naglalaro ng patintero. Hindi na ito Sports Action. Naging Slapstick Comedy na siya.
May eksena na hinulog na lang ni Coach ang sarili niya sa hagdan kasi dapat siyang matalo sa laban. Sariling sikap na lang siya. Kapag may kailangan mamatay, nag-mu-mukha silang exorcist dahil kusa na lang silang gumagalaw at nangingisay.
Si Archi Adamos at Ricardo Cepeda lang ang matinong umarte rito. Pero special participation lang sila. Kung kaya’t buong magdamag, titiisin mong pagmasdan ang pagmumukha ng mga artistang walang kabaka-bakas ng emosyon.
Yung isang bida, ang conyo magsalita pero parang joke time lang. Tinola at balasubas pa ata ang first few Tagalog words niya. Yung mga kontrabida, parang nakikipag-chismisan lang sa kusina. Bawal daw magsalita yung Mongoloid. Bakla lang daw ang pumapatol sa babae. Sinampal ni Coach yung bidang babae.
Yung mag-uumbagan na lang, nagpapalitan pa sila ng mga quotable quotes. Survival of the fittest. Kamao sa kamao. Nag-preach tungkol corruption. Daming satsat. Akala mo nasa pelikula nila ang mga pinagsasabi nila, pero wala naman.
Kung anu-anong eksena ang bubulaga sa’yo. Bigla na lang sumasayaw si Pia Moran. Nagpakita ng juice blender. May classic film starring Sunshine Cruz. Tapos may boxing match na pala ulit. Yung training wala pang 10 seconds. Niyakap lang ung punching bag.
Wala silang paki-elam kung maliwanag o madilim ang kapaligiran. Basta may shooting sila. Kahit hindi na makatotohanan ang nangyayari, gagawin pa rin nila ito.
Lahat ng pwedeng magpaganda sa isang pelikula ay itinumba na nila. Unang round pa lang, knockout na kaagad. Marahil ganitong mga palabas ang dahilan kung bakit patuloy na sinasabing Philippine Cinema is dead.
Kawawa ang sinehan sa ganitong umbagan.
𝐔𝐌𝐁𝐀𝐆
Cast: Marie D., LJ Ramos, Miguel Ramirez, Pen Soloria, Zyruz Imperial, Carleans Chay, Jhune TV Luto, Eiven Gatdula, Eduardo Ngo, Pia Moran
Special Participation: Archi Adamos, Ricardo Cepeda
Screenplay by: John Ad. Castillo, Haina Pampang
Presented by: GBH Studios, MDInternational Multimedia Productions
Release Date: April 15, 2026 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments