Ungol (Vivamax 2024)
Directed by: Bobby Bonifacio Jr.
Si Gin ay isang bulag na ginawang motel ang kanyang bahay. Nalilibugan siya sa ungol ng kanyang mga customers. Gusto mo bang mag-check-in kina Gin Bulag?
Ang peke ng mga ungol nila. Halatang nilalakasan at dinadamihan nila kahit hindi naman ka-ungol-ungol ang mga eksena. Dulot ata ng performance anxiety.
Ang kaunti ng naipakitang customers. Hindi masyadong naiparinig ang iba’t ibang klase ng ungol. Mahalaga itong mapakinggan dahil sinabi nila ito sa kanilang kwento. May ungol na nasasarapan at nahihirapan, pero kinakapos sila sa pagbahagi ng karanasan na kaakibot ng mga yun.
Ang tunog sa simula ay mala-sitcom na hindi bagay sa mood ng pelikula. Nag-iiba bigla ang kulay sa paggitan ng mga eksena. Masyadong pilit ang pag-advertise sa app na Playtime.
Virgin daw si Gin Bulag pero ang anti-climactic ng naging first sex niya. Mas exciting pa yung ipinahid niya ang pinag-iwanang pawis at tamod ng customers sa kanyang katawan pampa-dagdag-libog.
Hindi kapani-paniwala na bulag si Gin. Hindi okay ang akting ng karamihan sa kanila. Bigla-bigla na lang tumutulo ang luha nila kahit hindi naman sila mukhang umiiyak. Hindi ramdam ang mga mabibigat sana nilang mga eksena at linya. Kung natural ang nangyaring aktingan at ungolan, baka mas gumanda pa ito.
Sa ngayon, bulag-bulagan muna sa pelikula.
Pakinggan na lang ang mga pekeng ungol ng mga VMX stars na ito.
𝗨𝗡𝗚𝗢𝗟
Rating: 0/5
Cast: Stephanie Raz, Ghion Espinosa, Audrey Avila, Chad Solano, Hurry Up Tingson, Gboy Pablo, Jodi Garcia, Carlo Lacana
Story by: Bobby Bonifacio Jr. with Albert Jonathan Juanillo
Screenplay by: Wiro Michael Ladera, Bobby Bonifacio Jr.
Presented by: White Space Digital Studios
Release Date: November 8, 2024 in Vivamax (VMX)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 1
Emotions: -1
Screenplay: 0.5
Technical: 0
Message: 0
AVERAGE SCORE: 0.1
Comments